Entry 51

276 15 1
                                    

DEAR PANGET...

Pagkatapos kong magbayad sa counter ay nakarinig ako ng mga bulungan.
"Awwwss ang sweet naman nyang
boyfriend."
"Sana ganyan din ang boyfriend ko Sis! Gwapo na nga caring pa! Huhuhu!"

DEAR PANGET...

Pakiramdam ko tuloy nilalamon na nga ako ng lupa dahil sa sinabi nila.
Puccha! Ako? Boyfriend mo?! Asa!

DEAR PANGET...

Padabog ko sayong iniabot ang pack ng
napkin at sinamaan ka ng tingin. Dun ka na nga sa restroom. Ang saklap ng hitsura mo.

DEAR PANGET...

Mga ilang minuto akong nakatambay sa
may pinto ng restroom bitbit ang shoulder bag mo. Bat ang tagal mo sa loob? Magpapalit na nga lang sobrang bagal pa. Tss.

DEAR PANGET...

Kung iniisip mong magpaganda pa dyan sa loob, huwag ka nang magpumilit. Wala ka ng magagawa. Inborn na ata yang
kapangitan mo.

DEAR PANGET...

Real talk: Wala ka nang pag-asang
gumanda.

DEAR PANGET...

Pasalamat ka at nakakapagtimpi pa ako.
Nang dahil sayo hindi ako naka-attend ng
klase ko ngayong araw! Pakshet!

DEAR PANGET...

Pagkalabas mo ng restroom ay ngumiti ka sa akin at nagthumbs up pa.
"Salamat." Tipid mong sabi.
Sinimangutan lang kita.

DEAR PANGET...

Kelangan ko bang sumagot ng wecome?

DEAR PANGET...

Para tayong tanga rito na pagala gala sa
loob ng mall at hindi alam kung saan
pupunta. Haissst. Uuwi na lang ako. Hindi ko na kayang makita ang kapangitan mo.

DEAR PANGET...

Aalis na sana ako sa tabi mo diretso sa exit pero hinila mo ako papasok sa Arcade.
"Laro tayo.."

O______O

DEAR PANGET...

Seriously, ngayon na ang tamang panahon para ngiwian ka. Di ka lang pala panget. Isip bata ka pa!

DEAR PANGET...

Wala akong choice kundi damayan ka sa
kapangitan mo. Esteeee--- sa pagiging isip bata mo pala. Nakakairita yang boses mo tuwing sisigaw ka. Naka-score lang kala mo naman nanalo na sa lotto.
Ang sakit sa eardrum!!!

DEAR PANGET...

No way. Mas mananalo ang gwapo kesa sa panget! Kelan pa nanaig yang kapangitan mo?

DEAR PANGET...

Tumalon talon ka na parang bata nang
makuha mo ang highest score.
Napapokerface na lang ako.

***

 

DEAR PANGET...

Okay fine. Ikaw na ang magaling. Pero ikaw pa rin ang panget sating dalawa.

DEAR PANGET...

Ugh. Bakit nga ba ako nakikisakay sa trip
mo ngayong araw?

DEAR PANGET...

Wala ka atang kapaguran dahil pagkatapos mong manalo sa arcade ay lumipat ka naman ng ibang booth. At kinaladkad mo pa ako! Sumusobra ka na! Hindi tayo close kaya bakit kung umasta ka parang friends na tayo?!

DEAR PANGET...

Tumigil ka sa pagtakbo at kahit hingal na
hingal ay ngumiti ka ng pagkalapad lapad. Saka itinuro sakin ang isang game kung saan kumukuha ng stuff toys.

DEAR PANGET...

Ano bang gusto mong iparating?! Tangna
naman ohh! Panget wag mong sabihing ako ang kukuha ng punyetang stuff toy na yun para sayo?!

DEAR PANGET...

"Please?"
Nagpuppy eyes ka na syang ikinairita ko.
Hindi ko alam...
Natulala na lang ako bigla.

DEAR PANGET...

Hindi ko alam kung anong meron sa mata
mo. Gusto ko lang titigan kahit naka-
eyeglasses ka. *facepalm* juskoo. Ayoko na! Nakakabaliw kasi ang mukha mo. Utang na loob, lumayo ka sa akin.

DEAR PANGET...

"Ayoko nga."
Tanggi ko at sinamaan ka ng tingin.
Napansin kong nawala ang ngiti mo at
napalitan ito ng pout.

DEAR PANGET...

Kung inaakala mong madadala mo ako sa
mighty pout mo, mali ka. Di ka cute kaya
shut up ka na lang.

DEAR PANGET...

Hayyy...
Sige na nga.

DEAR PANGET...

Bwisit. Napilitan tuloy akong
makipagsiksikan sa mga naglalaro para
lang makuha ang pinakapaborito mong si
Simsimi. Pwe. Ang childish isipin.

DEAR PANGET...

Iniabot ko sayo ang stuff toy at nagcross
arm. Kahit tulo ang pawis ay nagawa ko
pang umismid. Pero hindi ko inaasahan ang sunod mong ginawa.

DEAR PANGET...

"Thank you talaga!!!"
Masaya mong sambit at agad mo akong
niyakap nang pagkahigpit higpit.

DEAR PANGET...

Parang tumigil ang mundo ko.
O______O
Niyakap mo ako.
Niyakap mo ako.
At the moment niyayakap mo ako?!!!!
What the heck panget!?

***


DustlessWriter Wp

DEAR PANGET... [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon