Entry 56

209 12 0
                                    

DEAR PANGET...

Kasalukuyan bang nakadampi ang labi ko sa labi mo?!

DEAR PANGET...

Nanlalaki ang matang pinilit ko na lumayo sayo pero bago pa yun mangyari ay nakarinig na ako ng makabasag na sigaw mula sa pinto ng kusina.

DEAR PANGET...

"Waaaaaaaaahhhhhh! What are you
doing???!!!!"

DEAR PANGET...

Shit!!!
Panget, ang mama mo?!!!

DEAR PANGET...

Oh god. Lupa lamunin mo na ako ngayon din. Alam kong mahaba habang paliwanag to. *facepalm*

***

***

DEAR PANGET...

Ilang minuto na tayo rito sa salas nakaupo at kaharap ang mama mo. Sobrang tahimik at nakakailang. Pakiramdam ko tuloy balak na nya akong kainin sa sobrang sama nya makatingin.

DEAR PANGET...

Panget pagsabihan mo nga yang mama mo! Hindi ko naman sinasadya yung nangyari kanina!

DEAR PANGET...

Hindi ko sinasadyang mahalikan kita...

DEAR PANGET...

Sinabi ko bang nahalikan kita?! Pwe! Pwe! Gusto ko nang mamatay ngayon din.

DEAR PANGET...

Teka hindi pa pala ako pwedeng mamatay. Masyado pa akong gwapo para mangyari sakin ang bagay na yun! Kaya ko pa namang tiisin ang alaala na nahalikan kita! Uggh.

DEAR PANGET...

Sa isang iglap ay umubo ang mama mo para tawagin ang atensyon nating dalawa. Since magkatabi kayo ng mama mo at kaharap nyo ako, nag-usap na lang tayo sa mata kahit alam kong umiiwas ka ng tingin.

DEAR PANGET...

Ikaw na kaya ang mag-explain ng lahat?
Tutal ikaw naman ang pangit rito at gwapo ako. Hindi ko gawaing magpaliwanag sa mga ganyang bagay!

DEAR PANGET...

"Ehem! Huwag na nga kayong mag-usap sa mata. Alam kong pareho kayong may
kasalanan! Ano? Can you explain to me
what's going on with the two of you? And my god! Sa loob pa ng pamamahay ko! And worst! Sa kusina pa------"

Napangiwi ako dahil sa mahabang litanya ng mama mo at ako na ang nag-taas ng kamay para magpaliwanag.

DEAR PANGET...

Bwisit. Ang sakit lang kasi sa pride na
mapagbintangang gumagawa ng himala
kasama ang isang panget na tulad mo.

DEAR PANGET...

FYI panget, kung gagawin ko yun, sa ibang babae na lang. At malamang hindi sa kusina. Sa motel pwede na. Potek! Ano bang mga pinagsasasabi ko?! Pati gutom ko di ko na maramdaman! Kanina lang parang kakainin na ng big intestines ko ang mga small intestines ko. Psh.

DEAR PANGET...

Sinamaan muna kita ng tingin bago
tuluyang magpaliwanag sa mama mo.

DEAR PANGET...

Paktay. Sumira na. Paano ko ba sisimulan?

***

DEAR PANGET...

Napakamot muna ako sa ulo bago
magsalita.

"Nagkakamali po kayo kasi aksidente lang yung nakita nyo. Sorry po. Hindi ko sinasadya! Pramisss!" Itinaas ko pa ang kamay ko para maniwala sya.
Grrr. Nakakainis! Hindi ka man lang ba
iimik at tutulungan ako sa pagpapaliwanag? Kainis. Panget!

DEAR PANGET...

Tumingin ang mama mo sakin at
nagkatinginan naman tayo. Hindi ko na
alam ang sasabihin pramiss. Bahala ka
nang ipagtanggol ang kapangitan mo.

DEAR PANGET...

Nagulat na lang ako nang biglang ngumiti ang mama mo at nagsalita...
"Okey fine. Gusto ko lang malaman kung
anong ginagawa mo dito. At kung ano ba talagang nangyari. Explanation accepted."

DEAR PANGET...

Hindi ako makapaniwala. Sobrang bait ng mama mo. Huhuhu. At sobrang panget mo.

DEAR PANGET...

"H-hindi kayo galit?" Pagtatanong ko pa
kahit halata naman. Gusto ko lang masiguro.

DEAR PANGET...

"Yuph." Mas nagulat ako nang tumayo ang mama mo saka niyakap ako ng pagkahigpit higpit. What the heck?!.

DEAR PANGET...

"Yieeeer kayo na ba ng anak ko? Welcome to the family."
^____^

DEAR PANGET...

Haaaaaaaaa?!!! Say what?!
"Mama naman!"

DEAR PANGET...

Ugh. This is a disaster!
I wanna go home!

***

***

DEAR PANGET...

Dalawang araw akong di nakapasok dahil sayo. Dalawang araw! Dahil sa pesteng halik na yun kasi pag-uwi ko sa bahay, nilagnat ako.

DEAR PANGET...

Kainis. May virus ata ang halik mo at
nagkaroon ako ng lagnat! Jusmii. Ayokong magkaroon ng flu!

DEAR PANGET...

Ilang araw na rin akong narito sa bahay.
Bawal pa akong pumasok. Hindi lang lagnat to panget. Trangkaso na rin.

DEAR PANGET...

Haha. Matatawa ka ba kung sasabihin kong gusto ko nang pumasok?

DEAR PANGET...

Ang boring rito...

DEAR PANGET...

Panget. May namimiss ako. Hulaan mo kung sino.

DEAR PANGET...

Syempre hindi ko sasabihin. Ang panget mo kasi.

DEAR PANGET...

May namimiss nga ako.

DEAR PANGET...

Namimiss ata kita?

***

DEAR PANGET... [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon