Entry 57

200 8 0
                                    

DEAR ALIEN...

BWISIT.
Ngayon ko lang napagtanto na isa ka palang malaking bwisit sa buhay ko Mister! Dahil sa halik na yun halos di ako makatulog sa gabi.

DEAR ALIEN...

Pakiramdam ko bangungot nang matatawag na makita ko yun sa panaginip ko!

DEAR ALIEN...

Ilang araw na ang nakalipas mula ng
mangyari yun pero di pa rin ako
makarecover! Alam mo bang first kiss ko yun?! Tapos sayo lang mapupunta?! Eh kung sapakin kaya kita ha?!

DEAR ALIEN...

Pake mo ba kung choosy ako sa kiss? Panget ako pero marunong din akong mamili. And I think hindi mo deserve na mahalikan ang isang tulad ko.

DEAR ALIEN...

Kasi nga...
Panget ako!


**

DEAR ALIEN...

Pumasok akong lutang ang utak. Kumain naman ako. Nagawa ko naman lahat ngayong araw.
Pero may mali.

DEAR ALIEN...

Parang absent ka ata ngayong araw?

DEAR ALIEN...

Psh. Wala. Napansin ko lang. Palagi mo
kasing napapansin ang kapangitan ko kaya ngayon napansin ko rin na absent ang isang alien na tulad mo.

DEAR ALIEN...

Bakit absent ka? Hmmm. Siguro lumipad ka na papuntang Pluto noh?
Papunta sa planetang kinabibilangan mo.

DEAR ALIEN...

Bye Alien!
Ikumusta mo na lang ako kay Kakay at
Kokey!

DEAR ALIEN...

At kung sakaling andyan si Mateo Do..
Please lang... Sya na lang ang ipadala mo dito sa Earth. Wag na ikaw. Baka kasi mas maappreciate nya ang itsura ko kesa sayo.

DEAR ALIEN...

Dire-diretso akong umupo sa assigned seat ko at ipinasak ang headset ko. Sobrang ingay sa room. As usual wala na namang pumapansin sakin. Ikaw lang naman ang may lakas ng loob na asarin ako ee. Kaso wala ka. Kaya sobrang thankful ako dahil absent ka
today!

DEAR ALIEN...

Boring kong pinanood ang kanya kanyang trip ng mga kaklase ko.
Nakapangalumbaba pa ako. Mayamaya ay napangiwi ako.

DEAR ALIEN...

May kulang.
Hindi ko lang mafigure out.

DEAR ALIEN...

Biruin mo yun?! Ilang araw ka na palang absent?! Mukhang natupad na ata ang wish kong bumalik ka na sa planeta mo?

DEAR ALIEN...

Kung iniisip mong namimiss kita...
Asa ka pa. Curious lang ako dahil di ko na ramdam ang existence mo ilang araw na.

DEAR ALIEN...

Ano na bang nangyayari sayo?

DEAR ALIEN...

Ayos ka lang?

DEAR ALIEN...

Nilalagnat ka raw. Narinig ko sa mga
kaklase mong nag-uusap sa may corridor.

DEAR ALIEN...

Haha. Alam ko na ang sasabihin mo kung nandito ka..

PANGET NA NGA AKO, CHISMOSA PA.

DEAR ALIEN...

Uyyy. Gusto ko lang malaman kung ayos ka lang.

DEAR ALIEN...

Kung puntahan kaya kita? Dadalawin lang naman kita Alien kaya sana wag kang maarte. Hindi ka gwapo.

DEAR ALIEN...

Walang makakapigil sakin. Pupuntahan
kita. May utang na loob din naman ako sa Alien sa tulad mo.

DEAR ALIEN...

Nakakamangha! Ang alien na tulad mo ay nilalagnat rin pala!

DEAR ALIEN...

Okay. Tama na. Hintay lang. Malapit na
ako. Pupuntahan na kita.

----Panget.



***

DEAR ALIEN...

Bago magdoorbell sa tapat ng gate nyo ay tiningnan ko muna ang sarili kong itsura sa dala kong salamin. Napangiwi ako.

DEAR ALIEN...

Ang panget ko nga ata talaga.

DEAR ALIEN...

Pinindot ko na ang doorbell saka parang tanga na naglakad lakad pabalik balik sa tapat ng gate at pinapraktis ang sasabihin kung sakaling ang Mama mo ang magbukas.

DEAR ALIEN...

"Hai. Kaibigan po ako ni Alien at bumisita po ako para tingnan kung humihinga pa ba ang magaling nyong anak-----"

Natigil ang pagmomonologue ko nang
bumukas na ang gate. Inayos ko muna ang magulo kong buhok saka ngumiti ng pagkalapad lapad.

DEAR ALIEN...

"Good-afternoon po!" Bati ko sa mama mo sabay ngiting pang-Miss Universe.
Uhuh!

DEAR ALIEN...

Tiningnan ako ng Mama mo mula ulo
mukhang paa daw. Parang yun kasi ang
nais nyang ipahiwatig ee. Sinipat sipat pa nya ako at sininghot ang pabango ko.

DEAR ALIEN...

Ang weird ng Mama mo ha? Mana sayo.

DEAR ALIEN...

So alien rin sya? Ganun?
Juskooo. Pinasok ko ata ang kampo ng mga Aliens!

DEAR ALIEN...

"Uhh. Iha? Anong ginagawa mo dito?"
Kunot noo nyang tanong. Ano nga bang ginagawa ko dito?

DEAR ALIEN...

Utang na loob Alien labasin mo ako kahit nilalagnat ka! Hindi ko alam kung paano kakausapin ang mama mo! Gusto ko nang tumakbo ngayon din!

DEAR ALIEN...

Ngumiti ulit ako at iniabot sa kanya ang
basket ng prutas.
"Nabalitaan ko po kasi na may sakit ang
anak nyo. Isa po ako sa mga kaibigan nya at dadalawin ko po sana." Paliwanag ko. Tinitigan muna nya ako bago nagsalita.

DEAR ALIEN...

Mygad alien! Pagsabihan mo naman tong mama mo na wag akong titigan ng matagal. Masyadong naeexpose ang kapangitan ko.

DEAR ALIEN...

"Pasok. " Sambit nya sabay ngiti. Nakahinga naman ako ng maluwag. Phew! Akala ko iinterviewhin pa ako.


***

DEAR PANGET... [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon