Entry 49

264 15 0
                                    

DEAR PANGET...

Normal na araw.
Maaga akong nag-abang ng bus sa may bus stop para makapasok sa school. At di ko inaasahang makakasabay pa kita.

DEAR PANGET...

Nababadtrip na agad ako kauma-umaga
dahil sayo. Ikaw ba naman ang matuwa na unang bubulaga sayo ay ang pangit na mukha ng babaeng to. Yikes. Kill me now.

DEAR PANGET...

SA kasamaang palad, iisang vacant na
upuan na lang ang natitira para sating
dalawa.

DEAR PANGET...

Sorry ka pero kelangan kong makaupo.
Bahala ka nang tumayo buong byahe.
Call me ungentleman pero wala akong pake. Hindi ako mapagbigay sa mga pangit ee.
Hihi. Sorry.

***

DEAR PANGET...

Malayo pa ang byahe kaya inub-ob ko na
lang ang ulo ko sa upuan ng bus para di ko makita ang panget mong hitsura.
Nakabalandra ka kasi sa harap ko at
sobrang panget mo.

DEAR PANGET...

Di ko namamalayang nakakatulog na pala
ako hanggang sa may sumapak sa akin.
Langya! Ikaw lang pala! Ano bang
problema mo sa buhay ha?! Problemahin
mo sana yang mukha mo! Pwe!

DEAR PANGET...

"Ungentleman!"
Walang emosyon mong parinig sakin kaya sinamaan kita ng tingin.
"Panget." Sambit ko ulit at wala ng pag-
asang bawiin ko ang sinabi ko. Totoo kaya yun. Hindi na ako magsosorry sayo. Never.

DEAR PANGET...

"Same to you."
Napalingon ako dahil sa sinabi mo. WTF?! Sinabi mo bang panget ako?! Taena! Mas panget ka!

DEAR PANGET...

Hanggang sa pagbayad natin sa conductor sobrang sama ng tingin natin sa isa' t isa. Grabe ka. Sa sobrang panget mo, nakakasakit sa mata.

DEAR PANGET...

Pababa na ako sa bus nang mapansin kong may pulang mantsa sa likod ng palda mo. Panget, di ka ba nainform na may red tide ka ngayong araw?

DEAR PANGET...

Talaga naman oh oh. Ikaw ang gumagawa ng kahihiyan na ikapapangit ng image mo.

DEAR PANGET...

Imbes na matawa ay nagsalubong ang kilay ko. Wala kang kaalam alam na tinagusan ka na. Kung umakto ka parang wala lang.

DEAR PANGET...

Wag kang mag-assume kung gagawin ko to.

DEAR PANGET...

Agad kitang hinila pabalik bago ka pa
makapasok sa gate ng school. Nagulat ka
dahil sa ginawa ko. Sinamaan kita ng tingin bagay na lagi ko namang ginagawa sa isang katulad mo.

DEAR PANGET...

"Panget, may tagos ka..."
Sabi ko kaya namutla ka naman.

DEAR PANGET...

"Seryoso?"
Ngumiwi ako dahil sa naging tanong mo.
Malamang seryoso ako. Totoo lang ang
sinabi ko. I'm telling the truth panget. Kaya totoo talagang panget ka.


***

DEAR PANGET... [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon