Entry 58

203 7 0
                                    

DEAR PANGET...

Pakiramdam ko mabubulok na ako rito sa kwarto. Hindi pa kasi ako makakalabas dahil sa ang taas pa ng lagnat ko.

DEAR PANGET...

Sayang naman ang kagwapuhan ko. Ilang araw ng di nasisilayan. Tss.

DEAR PANGET...

Siguro nagsasaya ka noh? Ilang araw na
kasi akong absent at malamang nagdiwang ka na dahil walang mang-aasar sayo na panget ka!

DEAR PANGET...

Humanda ka pag gumaling ako at agad
nakapasok! Sisiguraduhin kong magiging malala pa yang kapangitan mo.

DEAR PANGET...

Atsaka yung term na 'panget'?
Ikaw yun e.

DEAR PANGET...

Panget!

Panget!

Panget!

DEAR PANGET...

Nasa pag-iisip ako nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
Tok! Tok! Tok! Tok!

DEAR PANGET...

Alam kong hindi si Mama ang kumakatok dahil sobrang bibilis neto at malakas pa. Parang balak atang gibain ang pinto ng kwarto. Eh si Mama, tatlong katok lang titigil na. Sino naman kaya ang hinayupak na kumakatok na ito? Bwisit. Baka isa na naman sa tropa kong nakahithit ng plorwaks.

DEAR PANGET...

Tok! Tok! Tok! Tok!
Paulit ulit pa ang katok at halos mairita na ang tenga ko. Kumuha ako ng isang unan saka nagtakip sa tenga.

DEAR PANGET...

Sige.
Kumatok ka lang. Mapapagod ka rin kung sino ka man. Nilalagnat yung tao tapos iistorbuhin mo?!

DEAR PANGET...

"Alien wala ka bang balak pagbuksan ako?"

"Bwisit ka. Buksan mo to o ako ang gigiba nito?!!!"

Nanlaki bigla ang mata ko at napabalikwas ng bangon kahit sobrang sakit ng katawan.

DEAR PANGET...

Panget?

DEAR PANGET...

Ikaw ba yan?
Binisita mo ako?

DEAR PANGET...

Ipinilig ko ang ulo ko at paika ikang
bumangon. Pagbukas ko pa lang ng pinto ay bumungad agad sa akin ang panget mong mukha.

DEAR PANGET...

Ayyy mali...
Nagkamali ata ako ng description!

DEAR PANGET...

Naka-make up ka kasi ngayon at nakaayos lahat. Wala ka ring suot na eyeglasses. Contact lens lang na tama sa kulay ng mata mo.

DEAR PANGET...

Panget...

Bakit ang ganda mo ngayon?

DEAR PANGET...

Ipinilig ko ulit ang mata ko for the second time. Bwisit. Pati mata ko nagsisinungaling na rin ngayon.
Ngumiti ka kasi.

DEAR PANGET...

Nagdedeliryo na ata ako. Please huwag kang ngumiti nang ganyan!

DEAR PANGET...

"Sooo...uhhh. As you can see. Dinalaw lang kita. Kumusta ka na?" Nag-aalala mong tanong kaya napaiwas ako ng tingin.

DEAR PANGET...

DEAR PANGET... [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon