***_____
DEAR PANGET...
Napapokerface ako at tinuloy na lang ang pagkain. Muntanga. Halos madurog na tong cake sa kakatusok ko ng tinidor pero di ko pa nalalasahan. Mas dinurog ko pa to habang nakatingin sa inyo.
DEAR PANGET...
Kainis. Makaalis na nga dito. Nakakawalang gana kapag may dalawang panget pa na naglalandian sa may tabi mo.
DEAR PANGET...
Dali dali akong tumayo sabay sukbit ng bag ko. Tiningnan ko pa kayo ng masama bago tuluyang umalis ng cafeteria.
DEAR PANGET...
Mula nang araw na yun, ang weird na.
Siguro nga may pagka-alien na ako.
Gusto mo bang isa isahin ko ang mga weird na nangyayari saken araw-araw? Psh. Huwag na. Baka pumanget pa ako kakaisip sa mga ngayon at di ako makatulog hanggang sa maging panget ako!DEAR PANGET...
Ayokong mangyari yun no. Ayokong maging panget tulad mo.
DEAR PANGET...
Pero alang-alang sa kapangetan mo,
sasabihin ko na.DEAR PANGET...
Una- Asar na asar ako sa kapangitan mo pero gusto pa rin kitang makita araw araw.
Pangalawa- Mas naging abnormal na ang tibok ng puso ko tuwing lalapit ka.
Hanggang ngayon naman,di pa rin ako
nakakapagpacheck up. Tss.Pangatlo- Naiinis ako kasi kasama mo ang tukmol na model na yan.. Atsaka pwede ba, dumistansya ka sa kanya? Napaghahalataan kung sino ang pinagkaitan ng magandang mukha sa inyo e.
Pang-apat- Masaya ako kapag andyan ka. Shet ang corny. Huwag mo sana tong basahin.
DEAR PANGET...
"Pre, ang sama mo makatingin dun sa
dalawa. wala ka naman sigurong balak
patayin sila no?" Sambit ng isang tropa ko na ang tinutukoy ay kayo ni Mr. Bench Model na sa kasamaang palad ay magkasama na naman kayo.***
DEAR PANGET...
Grr. Public display of affection kayo ha?
DEAR PANGET...
Panget... may itatanong lang ako kung di mo mamasamain.
DEAR PANGET...
Kayo na ba? Ahhh baka M. U?
DEAR PANGET...
Haha. Tama. Pake ko ba?
DEAR PANGET...
Ugh. Nakakainis. Ayaw makisama ng puso at utak ko pag ikaw na ang pinag- uusapan.
DEAR PANGET...
"Posible kayang mainlove ako sa Panget?" Wala sa sarili kong tanong sa mga kaibigan ko. Napatingin ako sa bench na inuupuan mo at mag-isa ka lang. Halosmabilaukan naman sila sa mga kinakain nila. Tiningnan nila ako ng di makapaniwala.
DEAR PANGET...
"Tol? May lagnat ka pa ata." Nakangiwi nilang sabi kaya napapokerface ako.
DEAR PANGET...
"Nagtatanong lang naman." Pero nagulat ako sa sunod nilang reaksyon.
Ngumisi sila at tinulak tulak ako.DEAR PANGET...
"Ayieeerrr binata na sya. Huhu I'm so proud of you tol!"
"Hahahah I think I'm inlove na ba ang
status mo pre?!"
"Sira! wag nga kayo dyan!" Saway ko mga ugok kong kasama at napatingin sa
direksyon mo.
BINABASA MO ANG
DEAR PANGET... [COMPLETED]
HumorThe cutest story ever between the Panget and her so called Alien.