Chapter 13

4.1K 138 4
                                    







---------------------------------


huminto ako sa malalim na halikan namin dahil pakiramdam ko mapupugtuan nako ng hininga.


nakapikit pa din ako habang kumukuha ng hangin, damang dama ko din ang hangin na tumatama sa sa mukha ko, malamang katulad ko ay hiningal din sya. pinakalma ko ang sarili ko dahil sobrang lakas din ng kabog ng dibdib ko.


"that was.. wow.."mahinang sambit nya. nanlamig ako ng marealize kung ano ang nagawa ko.. napadilat ako at wala sa sariling napaatras, kita sa mukha nya ang pagtataka, lalapit pa sana sya sakin pero mabilis ako tumalikod at nagpunta sa closet para kuhaan sya ng damit.


pagkakuha, agad ko iyon ibinigay sakanya na hindi manlang sinalubong ang tingin nya, ayoko.. no.. dahil baka maakit nanaman ako, at hindi ko alam kung bat ako nakakaramdam ng ganito.


"kung di magkasya, pili ka nalang sa pinagkuhaan ko.. uhmm sa kitchen lang ako magluluto, dito kana magdinner.."


yes, kahit mamatay-matay nako sa kahihiyan na request ko nagawa ko pa syang pakainin dito, napatirik nalang ang mata ko, like what the fuck is wrong with me?


------------------------------


hanggang ngayon hindi pa din ako makkamove on sa nangyari kanina, at lalong nakakabaliw kung ano na ba ang iniisip sakin ng halimaw na yun, baka isipin nya kaladkarin akong babae or what? haist! pangatlo na yun, i guess?

first, sa party daw? im still not sure about that.


second, sa mall


and the last one, napapikit ako ng mariin ng maalala ko nanaman yun, pakiramdam ko may lalabas na mainit na usok sa mukha ko.. gosh! ba't ko ba kasi nasabi yun? e di sana may karapatan ako magsuplada ngayon! at ang loka isang request lang sumunggab naman agad!


napadilat ako at napailing saka itinuloy ang paghihiwa sa sibuyas. mag aadobo ako, nahihiya talaga ako. pano ko ngayon sya haharapin? napakagat ako sa labi, at napakunot ang noo ko. bakit ba pakiramdam ko yung labi nya nakasayad pa din sa labi ko?! fuck! malala nako.


"hey, crystal's call---"


"ay palaka! a-ray!"daing ko, dali dali ako pumunta sa lababo para hugasan ang kamay ko, pinaty ko ang gripo at tinignan ang mamula-mula ko na ngayong thumb dahil sa paso.


"are you okay?"


nagsisimula nanaman dagain ang dibdib ko dahil alam ko at ramdam ko na nasa likod ko lang sya, kaya ng pagharap ko halos hindi nanaman ako makahinga dahil sobrang lapit namin sa isat isa.


"y-yes"


nilapag nya ang phone ko sa tabi ng chopping board.


"let me see" agad ko naman tinago ang kamay ko sa likod ko.


"wala lang to, a-ahm.. upo kana lang sa dun, malapit na maluto tong ulam"


parang wala syang narinig dahil nakatitig lang sya sakin.


ng hindi ko na maagalan ang pagtitig nya nagsalita nako.


"can you please move a little?"naiilang na sabi ko. napablink naman sya at parang wala sa sariling napa"Oh sure.."


tumalikod sya at naglakad patungo sa table, pero bago pa sya makalayo narinig ko pa na may sinabi syang "she really looks like my ex.. weird.."


ex? napasimangot ako, wag nya sabihing magkamukha kami ng damuho nyang ex na nanampal sakin?! parang gusto ko tuloy ihampas sakanya tong chopping board!


nagngingitngit ako habang nagsasandok ng ulam, ng matapos pumunta ako sa table at halos padabog ko inilapag, kaya kunot noong napatingin sya sakin, pero inirapan ko lang sya.


tahimik akong nagsasalin ng kanin sa plato ko, bali magkaharapan kami ngayon, ng kukunin ko na ang ulam napansin ko na nakatingin pa din sya sakin, napakunott ang noo ko, "what are you lookin at?" masungit na tanong ko.


"bakit ganyan ka? is tha't about the kiss? look.. i don--"


hindi nya na natapos ang sasabihin nya dahil sinubuan ko sya ng pagkalaki-laking kanin with matching ulam pa, kaya ayan maubo ubo ang loka, uminom sya ng tubig at pinandilatan ako ng mata "papatayin mo ba ko?!"gigil na sabi nya.


"oo! kaya kumain ka nalang kesa dumaldal" sabay irap pa sakanya.


syempre dahil likas din syang maldita ginantihan nya din ako ng irap at nagcrossed arms pa, di ko nanaman maiwasan mapatitig sakanya, naaakit nanaman ako! ang hot naman kasi kainis!


"why can't you just tell me what you feel? because what you act is confusing me" nanghahamong sabi nya. napahinto ako sa pagnguya at napatitig sakanya, ano nga ba..?

Miss  I DONT CARE WHO YOU ARE(girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon