Chapter 7

5.4K 158 2
                                    



--------------------

*Cloud's pov*

"yes.. yeah i know.. thesis for ms. reyes? ah.. i almost done"


"hmm.."ungol ko. sino ba yung maingay na yun?


"nope, i'm not drunk last night.."


"hmm.."ungol ko ulit. ba't ba ang ingay?


nagiba ako ng posisyon, dumapa ako at babalik na sana sa pagtulog ng may magsalita ulit.


"natutulog pa... nope, she's not my type... okay bye"


pamilyar ang boses nya kaya napadilat ako at tinignan ang babaeng nakacrossed legs na nakaupo sa study table nya at tutok na tutok sa laptop. kinuha nya ang tasa at humigop, hmmm.. ang attractive nya sa simpleng suot na pambahay.


wait....


nanlaki ang mata ko,"waaaahhh!! bakit ako nandito?!"


"fvck! ouch!" tinignan nya ko ng masama, tsk! di ko kasalanan mapaso sya ng kape.


"ba't kaba bigla bigla sumisigaw dyan?!"


"bakit ako nandito? at... at..." tinignan ko ang suot ko, iba na di nato yung suot ko kagabi!


"sino nagpalit ng damit sakin?! huhu... daddyyyyyy! huhuhu..."


nag-iyak iyakan ako, pero gusto ko talaga umiyak! ang sakit ng ulo ko mga bessy!


"pwede ba wag mo ko artehan! nalasing ka kagabi kaya dito ka natulog at ikaw ang nagpalit sa sarili mo!"banas na sagot nya.


"teka wala kaba naaalala kagabi?"kunot ang noo nya at bahagya pang namula ang pisngi, sabay iwas naman ng tingin.


napatirik naman ang mata ko sa mga sinabi nya, naalala? "ang last na naalala ko yung nasa dance floor sila cryst."


and oh speaking! nasan na nga pala sila? geez... iniwan talaga nila ko sa kurimaw nato?! grabe sila, FO na talaga!


"psh, nga pala umuwi na sila chito, kanina kapa nila ginigising pero syempre dahil parang snorlax ka matulog iniwan ka nalang nila" napasmirk pa bago kinalikot ang laptop.


napamaang naman ako, ikumpara daw ba ko sa pokemon?! letse, kurutin ko sya sa ano eh.. sa ano... sa singit! oh ano? kung ano iniisip nyo eh.


"ewan ko sayo"napahilot ako ng sentido, pasimpleng pinasadahan ko ng tingin ang kwarto nya, one word.... MAKALAT, yung mga damit nakakalat meron din nakasabit sa kung san san na para bang minana nila kay spider man, ano bang klaseng babae to? napakakalat di ba sya nasstress makakita ng ganto araw araw? like hello! kulang nalang kumaway sila sayo at sabihing 'hoy bessy! pulutin mo naman ako at itupi ng maayos' psh.

Miss  I DONT CARE WHO YOU ARE(girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon