"sigurado kana ba na kaya mo na maglaro?" tanong sakin ni joey
nagreready na kami dahil ilang minuto nalang magsisimula na ang laro..
nasa court na sila rob,chito,jillian,cryst,ate max at grey.
kami naman ay nasa locker room pa, inistretch ko ang binti ko.
"oo naman hehe, dapat nga kahapon pa ko naglaro eh"
bigla naman ako tinapik ni rohan sa likod, argh! pigil hininga ko tiniis ang sakit. ang bigat ng kamay! tsk!
"aba okay na okay na talaga ah! hahaha!"
inis na nailing nalang ako sa ginawa nya.
maya maya pa ay lumabas na kami at nagtungo sa court.
'KYAAAAAAAAAAAAHHHH!! AYAN NA SILAAAAAAA!'
'WOOOOOOHHHHHHHH IPANALO NYO NA TO PARA CHAMPION NA!!!!'
isama pa ang malakas na drums namin at ng kabilang team! takte!
"hoy ulap! naiwan mo to"
nilingon ko si hera, kinuha ang iniabot nya, "salamat hehehe"sabi ko.
naupo ako at inilapag ang panyo sa bakanteng upuan na nasa tabi ko.
"oh montero, kaya mo na ba maglaro? baka mayari ako kay mrs, montero nyan ah"sabi ni coach
nginitian ko sya,"kayang kaya na po hehehe!"sabi ko.
umakbay naman sakin si ellaine"kailangan natin ang isang CLOUD ASHLEY MONTERO coach! kahit san ipwesto nakakapuntos!, at bukod kay captain joey, sya lang din ang kayang tumapat kay gailo! hahaha!"
natatawang napailing si coach, "osya, basta wag na sana maulit ang nangyari nakaraan, be careful montero, masyadong mainit sayo ang mariano'ng yon" seryosong sabi ni coach na tinanguan ko lang.
tinapos muna ang seremonyas bago tawagin ang first five, at grabe nanaman ang hiyawan after namin matawag na lima, pero hanga din ako sa dami ng humahanga kay mika, no doubt magaling eh
si karen ang magjujump ball, at kaming apat na si moira,rohan,anna ay mga abangers
*ppppprrrrrrtttttttt!!*
tumalon ang dalawa, natapik ng kalaban ang bola papunta sa kanila
agad naman binantayan ni rohan ang nakakuha sa bola, sinenyasan ko si karen na pumunta sa ilalim ng ring, orayt!
agad naman ako kumawala sa nagbabantay sakin, at dinamayan si rohan. nakakuha agad ako ng butas at agad kong sinundot ang bola, nabitawan iyon ng kalaban.. agad ko hinabol ang bola at pinasa kay karen AND-----
BINABASA MO ANG
Miss I DONT CARE WHO YOU ARE(girlxgirl)
Romancesimple lang ang lahat, normal mula sa paghinga, pagtibok ng puso at takbo ng pag iisip, pero may isang taong lapastangan ang gumulo ng lahat, hindi ko alam kung ano nangyayari o mangyayari... pero... sa kabila ng pagiging abnormal ng pagbabago di...