Chapter 43

2K 46 19
                                    


*Greysen pov*

Saturday ngayon at Wala si cloud dahil sinamahan niya ang kapatid niya sa fieldtrip. Hay.. kung pwede lang sumama sakanila ginawa ko na.

Nagiguilty ako dahil nagsinungaling ako sakanya tungkol sa restau.

Wala naman talaga problema ang restau. At hindi din totoo na nakaleave ang manager. Idinahilan ko lang yon dahil magsisimula na akong makipagdate kay kevin.

Para hindi na din siya magtaka sa pagdalas ng alis ko. Sana lang mairaos ko ng matiwasay.

Parang gusto ko sampalin sarili ko. Ano ba tong napasok ko! Sa dinami-rami ba naman ng naging ex ko. Tatlo pa dun may sayad!

Buti nalang talaga si irene hindi nagpapakita. Dahil balita ko isinama daw ng tatay niya sa ibang planeta.

Itong shin naman ang nakakapagtaka. Kusa ng umiiwas sakin pag nagkakasalubong kami sa hallway ng school. Pati mga alipores niya hindi na din ako dinidikitan. At ang mas nakakapagtaka wala akong nababalitaan sa school na kakaiba.

Napabuga ako ng hangin at pasalampak na naupo sa kama. May 3hrs pa ko para tumunganga. 9am palang ngayon. 12 noon ko naman kikitain si kevin.

Sakto naman tumunog ang phone ko.

Kinuha ko yon at tinignan kung sino nagtext.

Hmm?

Cloud: babe, alis na kami ni rouge. Baka hindi ako masyado makapag update ah. I love you pangit!

Napatirik ang mata ko. Ako? Pangit? Ha! Asa!

Me: okay babe, take care. I love you more aswang!

Nangingiti ako sa nireply ko. Naiimagine ko na ang mukha niyang nakasimangot hahaha!

Sakto naman ang pagtawag ni max.

"Hey?" Malamyang sagot ko.

"Hey your face! Buksan mo nga yung pinto ng bahay mo!"

Napatirik ang mata ko. Wala manlang pakiusap.

Tumayo ako at lumabas ng kwarto.

Day off kasi ni manang ngayon kaya ako lang dito sa loob ng bahay. Bukod don. May 1 security guard ako na nakapwesto sa gilid ng gate. Hindi sila allowed pumasok sa bahay. Kundi si manang lang.

Pagbukas ko ng pinto isang iritableng pagmumukha ang bumungad sakin.

Dire-diretso siyang pumasok at naupo sa sofa. Kaya naman sinundan ko siya.

"Maling bahay ang napuntahan mo. Hindi to bahay nila crystal" and i smirk.

Nakatanggap ako ng isang nakakasugat na tingin.

Napamaang ako. "Inaano nanaman ba kita?"

Humalukipkip siya.

"Alam mo nakakatampo ka." Ngayon naman ang haba ng nguso niya.

Grabe pagmumukha neto ang daming galaw! Hahaha!

"Why naman?" Tanong ko. Hinigpitan ko ang pagkabuhol ng tali sa robe ko at Pasalampak na naupo sa katapat niyang upuan.

"Kay raven ko pa nalaman na nandito na pala si kevin and gusto niyang makipagbalikan sayo. Grabe ka greysen! Bestfriend mo ko pero bakit hindi mo sinabi sakin na may ganyang eksena na pala sa buhay mo?? Kung hindi ko pa siya sinikmuraan hindi pa siya magsasalita!" Nagkunwaring nagpunas pa siya ng mata na akala mo'y may luha pero grabe naman kasama kung makatingin sakin.

Napangiwi naman ako sa kaartehan niya.

"Bakit ko sasabihin sayo eh ang busy mo kay crystal? Kulang nalang magkapalit na kayo ng mukha sa sobrang clingy mo! Ni hindi mo na ngako napupuntahan dito. Dati halos araw araw nandito ka para makikain at guluhin ang buhay ko. Pero ngayon kung makaarte ka dyan" tinirikan ko pa siya ng mata. Napamaang naman siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Miss  I DONT CARE WHO YOU ARE(girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon