Chapter 34

2.1K 74 16
                                    




*Grey's pov*


" 1 2 3 4 5 6 7 8! 8 7 6 5 4 3 2 1!"

Nagpapractice kami ng sayaw at mamaya magkakaron kami ng audition para sa gustong sumali sa dance troup.

"Okay guys! Break muna!" Sabi ni max

Sabay kami naglakad sa gilid at umupo, inabutan nya ko ng bottled water.

"How's cloudy girl? Di kapa din nya kinikibo?"

Napabuntong hininga ako, halos isang linggo nya na kong iniiwasan. Para na kong mababaliw sa lungkot, ayoko naman sya kulitin ng kulitin dahil baka mas lalong di magpakita sakin.

"I-i don't know.." malungkot na sagot ko.

"Ikaw naman kasi hindi mo binabantayan mga siraulo mong ex, pasulpot sulpot sila. Si irene hindi ko pa nararamdaman, si shin hindi na din pumapasok."

"Pano ko mababantayan kung si cloud lang ang gusto kong bantayan?" Nakasimangot na sabi ko

Bigla nya ko kinutusan "patay na patay ah hahaha"

Inirapan ko lang sya bago uminom ng tubig.

"Mark, pakicheck nga kung may mga nakapila na sa labas" max

Tumayo na kami, kumuha kami ni max ng upuan at pumwesto sa harap para mas makita namin ang galaw ng mga sasali samin.

Napatingin ako sa relo ko, 4pm na pala.. uwian nya na. Haaayyyy.

Napahilamos ako ng mukha, nakakadismaya ang isang linggo sakin! Nakakainis!

"A-ate grey, m-magsisimula na po ba tayo?" Nahihiyang tanong ni Glenda, tinanguan ko lang sya.

Siniko naman ako ng katabi ko, "malakas ang pakiramdam ko na may keme yan sayo" bulong nya sakin.

"What's keme?" Kunot noong tanong ko

"May gusto sayo tanga" bastos nyang sagot.

Inangilan ko lang sya. Wala ko sa mood para sakyan trip nya.

Makalipas ang ilang oras wala pa din pumasa sa taste namin ni max as in bokya, waley, wai, ligwak lahat! Ba naman yan! Halos lahat pa mga pacute lang! Takte na yan.

"Anong klaseng sayaw ginagawa nila? Yung iba parang inasinang bulate!! Meron pa ba mark?" Banas na banas na sabi ng katabi ko.

Napapailing nalang ako.

"Wala na po,"

"Sige papasukin mo lahat ng nagaudition paupuin mo silang lahat sa gilid," sabi ko.

Nang makapasok na ang lahat tumayo ako at naglakad papunta sa gitna.

"Ahmmm pano ko ba sisimulan? Ganto kasi... paprangkahin ko na kayo, wala kaming napili ni max miski isa sainyo, actually lahat naman kayo may potential.. yes, pero hindi lang yun ang kailangan namin, kailangan namin yung may puso sa pagsasayaw hindi yung makabisado mo lang yung steps yun na yon, hindi ganon. Bawat lyrics, bawat beat yung emotions kailangan nasa kalooban mo para mas maramdaman ng mga manonood ang pagsasayaw nyo.. papakitaan namin kayo ni max kung pano"

Kita sa nga mukha nila ang pagkadismaya pero sabay sabay din sila tumango.

Excited na tumayo si max sa gilid ko, sinenyasan ko si Glenda na start ang music.

Habang si mark and melbert pumwesto na sa likod namin bilang partner namin.

*bed love by: mario*

Nagsimula na kami umindak ni max, sa kalagitnaan ng sayaw kung saan maglalap dance kami, medyo malaswa to pero never kami nagperform sa stage ng ganito, papakita lang namin kung ano ang "sayaw" na sinasabi ko sakanila.

Miss  I DONT CARE WHO YOU ARE(girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon