Fan ako ni Sir Eros Atalia. Magaling na writer. Malupit na storyteller. Ang kuwentong ito ay hango sa isang dagli sa obra niyang Wag Lang Di Makaraos. Malalang unedited.
ΔvΔvΔvΔvΔ
Ayoko na! I resign! Ayoko nang maging ganito!
Hindi na talaga ako natutuwa sa mga pinaggagagawa ko sa buhay. Oo, inaamin ko, naging masaya naman ako. Hindi ko naman ipagkakait iyon sa sarili ko dahil hindi naman ako masokista in the first place. Pero gaya nga ng minsang sinabi ng mga nagtatalong estudyanteng napadaan sa punso ko, change raw is the only constant thing in the world.
Huwag na kayong magtakang naiintindihan ko ang pahayag na iyon. Hindi naman ako bobo ‘no! At please lang, parang huling habilin ko na rin ito sa inyo bago ako mamahinga, kaming mga nuno ay hindi mangmang at mga suicidal creatures na nakatira lang sa mga punso sa bundok at mga liblib na lugar. Okay sige, may mga gano’ng cases, pero huwag niyo naman sanang i-generalize. Sigurado akong hindi niyo alam na minsan na rin akong natira sa mga exclusive subdivisions at executive villages at nakahalubilo pa nga ang ilan sa mga hinahangaan ninyong artista, na hindi niyo alam ay maliliit naman ang mga tite! ‘Yon nga lang, due to some unavoidable circumstances, sinira ng malalaking bulldozer ang mga bahay namin para pagtayuan ng bagong bahay ng mahaderang Kris Aquino na ‘yan. Pasalamat na lang siya at labas sa scope of powers ko ang ‘ano’ niya dahil hindi naman siya nagkamaling umihi sa punso ko.
Sawang-sawa na ako sa papel ko sa mundong ito. Everybody has a mission, oo. Pero hindi ba pwedeng maiba naman ang sa’kin o di kaya’y tumaas naman ang ranggo ko mula sa isang PAUN (Poor And Unestablished Nuno) into HON (Hot Old Nuno)? Bukod sa given nang hindi madali ang role na ginagampanan ko sa mundong ito, ay wala ring kasiguraduhan kung kailan nga ba ito matatapos. Tang ina, buti pa ‘yong mga teleserye may last two weeks, eh ako? Wala. Kumabaga sa sine, lagi na lang akong “Now Showing” kahit wala nang nanonood. Isang spaced-out na matandang may unshaved na balbas at nakausling tenga na walang ibang ginawa kundi mag-antay ng grasya. Ito ang hirap sa walang boss at employer eh. Wala na nga akong sweldo, wala na ngang bayad ang overtime ko, wala na ngang 13th month pay at sick leave, wala pang pumupuri sa bawat mission na naa-accomplish ko. Kung kayo ako, hindi ba sasama rin naman ang loob ninyo?
Alam niyo naman na siguro ang usual routine ko, hindi ba? Kahit naman hindi itinuro ng titser ninyo sa eskwelahan ay paniguradong ikwenento na sa inyo ng mga kamag-anakan at kaibigan ninyo ang tungkol sa’kin. Uupo sa isang sulok. Magpapaka-senti na kulang na lang ay kanta ni Aiza Seguerra sa background. Tapos kapag nasagi, naapakan, naingayan nang sobra, at naihian ay magagalit. Lagi na lang ganyan. Hindi na nagbago. Sige nga, kayo dito sa lugar ko, panigurado magsasawa’t magsasawa rin kayo. Kaya please lang, intindihin niyo rin naman sana ang side ko sa resignation na ito.
Hindi ko nga na-feel na belong ako sa society ng mga elite na creatures eh. ‘Yong si kumareng manananggal, nakakalipad at may choice kung sino ang gusto niyang biktimahin. Hindi katulad ko, stuck sa punso at naghihintay na parang tanga. Kahit nga siguro mag-snow sa Pilipinas ay tutunganga pa rin ako sa itaas ng punso habang naka fur coat at mabalahibong earphones. ‘Yong si pareng kapre, may signature na pagka-astig gaya no’ng idolo kong artista na si Robin Padilla. Kapag nakarinig ang sinuman na may kapre sa itaas ng puno, natatakot agad sila. Eh ako? Bukod sa given nang matanda ang look ko, hindi man lang ako ginawan ng make-over ng mga production companies na kahit walang royalty ay isinasali ako sa mga horror movies. Nakakaasar, hindi ba? Buti pa nga ‘yong mga duwende. Minsan cute sila sa mga palabas tapos mababait pa at parang genie kung maka-grant ng wish. Kaasar!
Hindi ko rin na-enjoy ang kamusmusan ko. Sa totoo lang, hindi ko rin talaga alam kung nagdaan nga ba ako do’n. Ano kayang pakiramdam ng naglalaro? Masakit kaya ang madapa? May iihip kaya ng sugat ko habang nilalagyan ng alcohol kung saka-sakali? Hay naku. At ngayon ngang patanda na ako nang patanda, lumalala na ang pagkabugnutin ko. Mas nagiging emo na ako at kung minsan nga’y nagkakaroon na rin daw ako mood swings sabi ni pareng Tikbalang no’ng minsang napadaan siya rito.
Isa pang ipinagtataka ko, bakit parang ang gumawa sa’min ay tambay lang ang itinuring na inspiration. Pupwede naman kasi kaming magpalaki ng bayag ng kahit na sino d’yan eh! Bakit kailangan pang hintayin naming maihian kami o di kaya’y masagi ang punso? Ano ‘to? Yuyurakan muna ang pagkatao (pagka-mythical creature) namin bago kami gumanti? Talo pa namin ang inaaping bida sa mga teleserye ah. Buwaka ng inang buhay ‘to, oo!
Para akong tumanda na walang pinagkatandaan. Dyaskeng ‘yan!
Pero habang sinusulat ko ang resignation letter na ito, iniisip ko rin kung saan nga ba ako pupunta. Kung sakali mang ma-grant ito, saan nga ba ako tutuloy para magsimula ng panibagong buhay? Sa condo? Eh wala naman akong perang pambili o pang-renta. Sa ampunan? Hindi naman tinatanggap ang mga matatanda do’n. Wala rin namang ginawang home for the aged para sa mga nuno. Buti pa nga ‘yong mga lolo’t lola may sariling gano’n eh.
Sa tingin ko, dahil wala naman talaga yatang nagmamahal sa’min kaya walang nagtiyagang pagawa’n kami ng matitirhan sakaling maisipan na naming mag-retiro sa serbisyo. Dahil ang tingin lang naman yata ng mga tao sa’min ay mga panget na matatandang nabubuhay sa bawat umbok sa lupang makikita nila. Actually, masakit ‘yon.
Bukod pa riyan, mukhang huli na rin yata ang lahat para sa’kin. Maraming kaakibat na problema ang pagreretiro kong ito gaya ng…may Viagra kayang suited sa isang nuno? Kung sakali bang subukan ko ‘yong Tongkat Ali ay tatayuan ako? Magkakaroon pa kaya ako ng mga anak? At kung saka-sakali mang magkaroon, ano naman kayang magiging hitsura ng mga babies ko? Paano na lang kapag naging kamukha ko? Eh di parang itinatak ko na rin sa kanila na kahit kailan ay hindi sila magiging masaya. Saka, sino naman ang papatol sa’kin? May magkakagusto kaya sa isang katulad ko? Hindi ko nga rin alam kung papaano ako manliligaw gayong lagi naman akong invisible. Kung magbibigay man ako ng flowers sa babaeng magugustuhan ko, mukhang imposible ang isang bouquet dahil hindi naman ako nagagawi ng Dangwa. Kung chocolates naman, imposible ring makasadya ako sa SM dahil masyadong maraming customers at baka maapakan lang ako at makagawa ng isang takaw-tinging eksena. Kahit makahanap ako ng hindi materialistic na babae ay hindi ko rin maibibigay sa kanya ang dream wedding na maaaring pinapangarap niya. Sino ang magkakasal sa isang nuno at isang mortal? Sige nga, sabihin ninyo.
Ang unfair talaga ng buhay. Bakit kung sino pa ‘yong maliit ay ‘yon pa ang may ubod laking problema?
Kbye,
Gat NunoP. S. Mukhang hanggang draft na lang ang resignation letter na ito. Hay naku. Saka, wala rin naman akong boss na pagpapasahan nito.
BINABASA MO ANG
Kontes Entris
AléatoireKumuha ng papel. Nagsulat ng mga random na ideya. Pinagdugtong-dugtong. Himala at nakabuo ng makabuluhang kwento. Compilation ng mga entries sa iba't ibang writing contests. Okay naman ang iba. Lame nga lang ang karamihan. Pero ganoon naman talaga...