RUNDOWN

64.5K 1.5K 141
                                    

"Cassie, hazlo rápido por favor?" rinig niyang sigaw ng mamá niya mula sa ibaba ng kanilang bahay kaya naman mas binilisan pa niya ang pagbibihis katulad na lamang ng sabi nito.

Kinuha niya ang dress na binili niya kasama ang sorority mate niya na si Shanna sa mall nung isang araw. Isa iyong halter plain teal dress. Itinali lang niya ang mahabang buhok tapos ay nilagyan ng contact lens ang kaniyang mga mata.

She applied some light make-up and put on her wedge shoes before going down. Naabutan niya doon ang parents niya na nakaupo sa sofa at halatang siya nalang ang hinihintay.

"Por fin! You're here." sabi ng papá niya tsaka tumayo sa upuan. "You look so beautiful, hija." puri nito sakanya at tsaka siya hinalikan sa noo.

"Gracias, papá." sabi niya rito at niyakap ito.

"Halika na at kanina pa naghihintay sila Alicia at Nikolo." pag-aaya ng mamá niya.

Pupunta sila sa isang welcome party na para sa bestfriends ng mga ito na kauuwi lang mula sa Amerika. Sumakay na sila sa kotse at tinahak ang daan papuntang venue ng party.

Pagkarating ay parang isang fiesta ang sumalubong sakanila. Her parents are both half Spanish and half Filipino. She was born in Puerto Rico but raised in Mexico. Tumira sila doon hanggang sa mag-twelve siya at nagdecide ang parents niya na umuwi ng Pilipinas at dito na tumira for good.

Same as their friends, Alicia and Nikolo, they're also from Mexico. Doon nagkakilala ang mga ito kaya lang ay kasabay ng paglipat nila sa Pilipinas, lumipat din ang mga ito sa Amerika. They were her godparents, actually. Kaya siguro ganito ang klase ng pagsalubong na ginawa dahil talagang buhay na buhay pa rin ang dugo nilang Espanyol.

"Cecilia! Amiga! Na-miss kita!" salubong ng Ninang Alicia niya sa mamá niya habang nagyakap naman ang papá niya at ang Ninong Nikolo niya.

"Esta es mi ahijada?" tanong ni Ninang Alicia sa mamá niya.

Tumango ang mamá niya. "Yes. That:s Cassie now."

"Hi po, Ninang. Bless po." sabi niya at nagbless dito. Ganoon din ang ginawa niya sa Ninong Nikolo niya.

"Ang ganda mo naman!" sabi ni Ninang Alicia sakanya at tsaka siya niyakap.

"What a fine young lady. You must be worried that guys would loiter around your house." komento naman ng asawa nitong si Nikolo.

Natawa naman ang papá niya. "Mabuti nalang at wala pa. Masyadong mataray ang anak ko kaya walang nanliligaw."

"Papá!" nahihiyang suway niya sa papá niya na ikinatawa lang ng mga ito.

"Food is served there." sabi ni Ninang Alicia.

"You go ahead, hija." sabi sakanya ng mamá niya.

Sumunod naman siya at pumunta sa buffet table. Hindi naman siya gaanong gutom kaya doon lang siya sa may snacks. May mga nachos, tacos at iba pang snacks na kadalasan ay galing sa Latin Countries.

Pati ang tugtugan ay puro Spanish ang naririnig niya. May naulingan siyang kanta ni Pitbull at J.Lo pero ganoon rin, espanyol pa rin.

Iniikot niya ang paningin sa mga tao hanggang sa mag-settle ang mata niya sa taong matagal na niyang hindi nakikita. Nahigit niya ang hininga nang makita itong ngumiti sa kausap nitong matandang mag-asawa. Iyong dimples na matagal na niyang hindi nasusundot ay lumabas sa gilid ng labi nito.

He's the reason why she made herself look pretty today. It's been seven years since she last saw him and up until now, she still has a crush on him.

Nakita niyang lumapit ang mga magulang niya rito kasama ang ninong at ninang niya. They were talking when suddenly all of their eyes went to her direction. When his eyes met hers, she instantly got nervous.

"Hija! Halika at nandito si Nikolas." tawag sakanya ng papá niya.

Huminga muna siya ng malalim bago tinawid ang mga distansya nila. Kinakapatid niya ito at nag-iisang anak ng Ninang Alicia at Ninong Nikolo niya. Kababata niya ito at tandang-tanda pa niya kung gaano ito kaalaga sakanya noon kaya naman nahulog ang bata niyang puso para rito.

"Nikolas, naalala mo pa si Cassie?" tanong ni Ninang Alicia sa anak.

Tipid na ngumiti lang ang lalaki at tumango.

"Good. Ikaw na muna bahala sakanya at mag-iikot lang kami ng ninang at ninong mo." bilin ni Ninong Nikolo sa anak tapos ay iniwan na sila.

Panandaliang katahimikan ang namagitan sakanila nang magsalita ito. "Ilang taon ka na nga ulit?" tanong nito. Nakasandal ito sa pader at may hawak na bote ng isang beer ang isang kamay nito.

"Nineteen. Twenty ka na, 'di ba?" tanong niya rito.

Ngumisi ito at tumango. "I think you can handle yourself, right?"

"Huh?" nagtatakang tanong niya rito.

"I don't have time to babysit you. Just look for me if you need something or what. Sige, maiwan na kita, Carrie."

Napakurap-kurap lang siya at napatulala sa nangyari. Why is he so rude and cold? And what did he called her? Carrie?

She scoffed and looked at his back. Mabilis niyang hinabol ito at binato ang wedge shoes niya sa likod nito.

"What the fuck!" he hissed and glared at her.

"It's Cassie, you moron! At since hindi naman tayo close, it's Cassidy for you! Tandaan mo iyan!"

•••••
Comment down!

Yieee. So super LSS ko kasi sa Despacito na song and laman ng playlist ko mga kantang Spanish. Super naiinlove ako sa mga ganitong genre ng kanta so I came up to this plot.

Translations:

hazlo rápido por favor - Make it fast or faster

Por fin - At last or Finally

Gracias - Thanks / Thank you

Esta es mi ahijada? - Is she my goddaughter?

ZWCS#6: DespacitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon