One

37.8K 1.4K 115
                                    

Naniningkit ang mata ni Cassidy habang pinagmamasdan ang isang lalaki na tumutugtog ng gitara nito sa may botanical garden. Tila may sarili itong mundo at walang pakealam kung gaano karami ang mga kababaihan na nakapalibot dito ngayon.

"Baka naman matunaw si Nikolas sa pagkakatitig mo."

Masama ang tingin ang ipinukol niya kay Brooke nang tabihan siya nito. Nasa may second floor sila ng Law Building dahil nandito ang pinakamalaking library sa Vanderbilt. Sinamahan nila si Amelia dahil may libro raw itong kailangan hiramin.

"Tignan mo 'yun. Papogi masyado."

Natawa sakanya si Brooke. "Pogi naman si Nikolas ah? Simula nang lumipat siya dito sa Vanderbilt last year, marami na ang nagkagusto sakanya."

"Nakuha ko na ang libro. Ano tinitignan niyo diyan?" Tumabi sakanila si Lia at tinignan din ang kanina pa nila tinitignan.

Binalingan ni Brooke si Lia. "Lia, 'di ba tama ako? Gwapo naman talaga si Nikolas?"

Tumango si Lia sa sinabi ni Brooke. "Oo. Magaling pa kumanta."

"Lalo na kapag espanyol ang kinakanta nito, akala mo ay inaakit ka." dagdag pa ni Brooke.

"Will you two stop? I can't believe you're gushing over him." pagtataray niya sa dalawa at nauna nang maglakad.

"May nasabi ba tayong mali?" rinig niyang tanong ni Lia kay Brooke.

"Wala. Inis lang talaga si Cassie kay Nikolas."

Naiinis na nilingon niya ang dalawa. "Pwede ba kung pagtsi-tsismisan niyo lang din ako, doon sa hindi ko maririnig."

Natatawang hinabol siya ni Brooke. Kasunod nito si Lia na tahimik lang. "Okay, sorry na Cassie. Anyway, tara na sa HQ at may meeting pa tayo."

Sabay silang tatlo na dumating sa HQ. May mini conference room sila roon kung saan sila nagtitipon kapag may meetings tulad na lamang ngayon. Wala pa sina Violet at Trinity.

"Bakit nakabusangot 'yang si Cassie?" tanong ni Jinny habang ngumangata ng chichirya.

"What do you think?" nakataas na kilay na tanong ni Shanna.

"I saw someone doing a mini concert sa Botanical Garden. Maybe that's why Cassie looks so ugly today." sabi ni Gift habang tamad na nililipat ang pages ng magazine na hindi naman nito binabasa.

Nagsitawanan ang lahat pwera sakanya na masama ang tinging ipinukol kay Gift while the devil just smirked and shrugged her shoulders.

"Si Nikolas ang lalaking sinisintang pururot ni Cassie?" natatawang sabi ni Jinny.

Mabilis niyang ibinato ang ballpen na hawak kay Jinny pero mabilis na nakailag ang babae.

"Cassie! Manners please." suway sakanya ni Shanna.

"Oh, bite me!" she rolled her eyes.

"Cassidy Anne Mendez. I'm warning you!" sabi muli ni Shanna.

She was about to talk back again when Violet and Trinity entered the room.

"What's happening?" seryosong tanong ni Violet nang maupo ito sa sentro habang nasa kanan nito si Trinity. Katapat niya ito na nasa kaliwa siya ni Violet.

"Nothing. Nagkaka-asaran lang." maagap na sabi ni Rosas.

The meeting was just all about the upcoming fund raising event na gagawin ng Zeta Weiblich. Being the secretary, she took notes of the whole meeting.

ZWCS#6: DespacitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon