"You okay?"
Tinanggap ni Cassidy ang tubig na inabot sakanya ni Steven. Nang magsuka siya kanina ay kaagad siyang binuhat nito at dinala sa clinic. Nahilo rin kasi siya kaya minabuting buhatin na siya ni Steven.
When they got to the clinic, the nurse immediately attended her. Pinainom siya ng gamot at tsaka nakatulog siya sa clinic. Paggising nga ay naabutan niya roon si Steven.
"Salamat. Ilang oras na ako dito?"
Steven looked at his watch. "About.. an hour and a half maybe."
She tried sitting up. Inalalayan siya kaagad ni Steven.
"Kanina ka pa dito?" tanong niya.
Nilagyan siya ng unan sa kanyang likod at naupo sa katabing kama. "Hindi. I had to attend a class. Kakarating ko lang pagkatapos nun, sakto nagising ka. Do you want me to call someone? Sorority sisters?"
Umiling siya. "Hindi na. Okay naman na pakiramdam ko."
"Hindi iyon ang nakikita ko. You look like shit, Mendez."
She chuckled. She feels like shit too, she wants to add. "Thanks, Herrera."
"Seriously, you need some rest." seryosong sabi sakanya ni Steven.
Tumango siya at sinubukang tumayo. Nanatiling nakaupo si Steven pero pinapanood siya nito. Siguro nakahanda na kung sakaling mabuwal siya.
Maya-maya ay pumasok ang isang nurse.
"Miss Mendez, bakit tumayo ka na? Maayos na ba ang pakiramdam mo?"
Tumango siya sa nurse. "Opo. Maayos naman na po ako."
Pinaupo muna siya nito saglit at tinignan ang kanyang temperatura tapos ay nagsulat doon sa maliit na notebook na hawak nito.
"May sinat ka pa ng kaunti pero pwede ka na umuwi. Gusto mo ba ng clinic pass? May namiss ka ba na klase?"
Umiling siya sa tanong ng nurse sakanya. "Gusto ko nalang po umuwi."
Pinahintulutan naman siya ng nurse. Nauuna siyang maglakad at kasunod niya si Steven sa likod. Nang makarating sila sa hallway, hinarap niya ito.
"Salamat sa tulong Steven, okay na ko. Pasensya na sa abala."
Steven dipped her hands inside his pockets. "You sure? Ihatid nalang kita sa HQ niyo."
"No need. Sa sorority house ako didiretso." sabi niya.
"Then I'll drive you there." sagot nito.
Hindi na siya nakipagtalo pa kay Steven at hinayaan ito sa gusto niya. Pinasakay siya nito sa kotse at ipinagdrive sa sorority house nila.
"Salamat sa paghatid. Pasensya na talaga sa abala." sabi niya nang maihatid siya ni Steven.
"No worries. Magpahinga ka na. I don't want to see you puking around campus again."
She smiled. "Thanks ulit."
Inihatid niya ng tingin ang kotse ni Steven bago pumasok sa loob ng sorority house. Naabutan niya roon si Gift at Jinny na nag-uusap.
"You're home early?" bungad sakanya ni Gift.
Nanghihina siyang umupo sa tabi ng mga ito sa couch. Kinapa ni Jinny ang noo niya. "Sabi na nga ba eh. Sinabi ko na sa'yo na huwag ka na pumasok!"
"It's just some flu."
"Gaga! May namamatay sa lagnat!" galit na sabi ni Jinny sakanya.
"Do you want us to take you home?" tanong ni Gift.
BINABASA MO ANG
ZWCS#6: Despacito
General Fiction"Mi vida, mi alma, mi amor." ZETA WEIBLICH COMMUNITY SERIES: a series collaboration of Frappauchino and YGDara. ZWCS#6: Despacito -Cassidy Anne Mendez