Thirteen

35.2K 1.4K 117
                                    

"Cassidy! Are you even listening to me?"

Napapitlag si Cassie nang biglang paluin ni Gift ang lamesa. Kasalukuyan silang nagmi-meeting sa HQ nila para sa upcomong activities, budgets and all pero mukhang nawala nanaman siya sa sarili niya.

She cleared her throat and straightened her back. "S-Sorry."

"God! Are you even taking notes?!" galit na utas sakanya ni Gift.

Pinigilan niyang umirap dito. Kadalasan kasi sinasabayan niya ang pagtataray ni Gift, pero wala siya sa mood ngayon.

"I heard everything, Gift." sabi lang niya ay sinulat lahat ng naaalala niyang notes. Naka-on naman ang recorder ng phone niya in case na may makalimutan siya. She's the secretary of her sorority and kahit kailan hindi siya pumalpak sa duties niya, ngayon palang ang muntikan na.

"Are you okay, Cassie?" tanong sakanya ni Trinity. She's on the other side of the table, just beside Violet who's looking at her too.

She smiled and nodded her head. "Yeah, I'm fine."

"Shall we continue?" Violet said then turned to Gift. "Gift?"

Huminga si Gift at pinagpatuloy ang sinasabi tungkol sa recruitment stuff. Finocus niya ang sarili sa meeting nila, nakinig siya, nagparticipate sa usapan at nag-take down ng notes.

Nang matapos ang meeting nila, patakbong lumabas si Jinny na tila ba nagmamadali.

"Saan punta nun?" tanong niya kay Brooke na halos hindi maalis ang ngiti sa labi. Marahil ay kachat nanaman ang boyfriend nitong si Aquish.

"She mentioned something about a part-time job." sagot ni Brooke na hindi naalis ang mata sa screen ng phone nito.

Namamangha talaga siya sa pagmamahal ni Aquish kay Brooke. Why, the notorious president of the mysterious fraternity here in Vanderbilt just tried to sacrifice his life just to save Brooke from her psycho stalker. Sino ang magkakaila na hindi iyon pagmamahal na tunay?

She sighed.

"Cassie!!!"

Nagulat silang lahat sa pagtakbo pabalik ni Jinny mula sa labas at sa lakas ng sigaw nito.

"Cassidy!! Shit ka!!! Tangna mo talaga!!" sigaw nito.

"Jinny! Your words! And can you lower down your voice?!" suway rito ni Shanna.

Inirapan ito ni Jinny. "Tse! Pake ko sa'yo!" sabi nito tapos ay binalingan siya. "Cassidy Anne Mendez! Haay! Malandi ka!"

Kumunot ang noo niya kay Jinny. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at niyugyog siya. Niyakap din siya nito.

"Happy ako for you, beshiwap!" sabi nito na tila ba kinikilig.

"Jinny, ano ba 'yang sinasabi mo?"

Hindi sumagot si Jinny tapos basta nalang siya hinila palabas ng HQ nila. Tumingin siya sa likod nila at nakitang nagtatakang sumunod ang iba, maski sina Violet at Gift ay nakasunod din para makita kung ano ang ikinaka-excite ni Jinny.

Paglabas nila ay nakita niya si Nikolas sa labas na may hawak ng isang bungkos ng bulaklak. Sa likod nito ay nakasabit ang paborito nitong gitara. She saw some students stopped on their tracks to see what's happening. Of course, who wouldn't?

Nikolas is popular. Hindi rin niya ikakaila na kilala rin siya lalo na ang sorority nila sa campus. Syempre, magtataka ang lahat. Why is Nikolas Chase Russo standing in front of the headquarters of Zeta Weiblich Community with a bunch of flowers in his hand and a guitar behind his back?

ZWCS#6: DespacitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon