Padabog na isinara ni Cassie ang pinto ng kotse ni Nikolas nang makita ang walang hiyang lalaki na nauna pang maglakad sa kanya patungo sa bahay ng mga ito. Gigil na sinundan niya ito.
"El cabrón.." sambit niya.
Akala niya hindi narinig ni Nikolas pero mali siya ng inakala dahil natigil ito sa paglalakad at hinarap siya. Nakuha pa nitong ngumiti at yumuko ng bahagya.
"Gracias, señorita. That's very sweet way of calling me a shitass."
She scoffed at him. "It also means dickhead, asshole, and shithead." she sarcastically added.
Tipid na ngumiti si Nikolas at pinagsiklop ang mga kamay sa likod nito. "I know, Cassidy. Kaya kung tapos ka na sa pagmamantra mo, pwedeng pumasok na tayo? Kanina pa nila tayo hinihintay."
Inirapan niya ito pero tila wala lang iyon para sa lalaki. Pinauna pa siya nitong maglakad tsaka siya nito sinundan. Dahil bahay naman ito nila Nikolas, natural lang na may susi ito kaya hindi na nila kailangan kumatok o magdoorbell pa man.
"We're here." anunsyo ni Nikolas nang marating nila ang kusina. Naroon ang mga magulang nila parehas.
Naunang tumayo ang mama niya. "Hija, mabuti at nakarating ka." Hinawakan siya nito sa kamay at pianupo sa tabi nito. Si Nikolas naman ay naupo sa harapan niya. Parehong nasa magkabilang kabisera ang mga ama nila.
"I'm glad that you came, Cassie." sabi sakanya ng Ninang Alicia niya.
Ngumiti siya rito. "Me too, ninang. Sorry po, medyo busy lang po talaga sa school."
Nikolas suddenly coughed that she perfectly knows that it's fake. She glared at him. He looked at him and flashed a cheeky grin. "Sorry. Something was stucked in my throat."
Hinimas naman ng mommy nito ang likod. "Are you okay, Nik?"
Tumango naman ang lalaki sa tanong ng mommy nito. Nagsimula na silang kumain at tanging ang mga nanay lang nila ni Nikolas ang nagsasalita.
"How was school, Nikolas? Kapag nahihirapan ka, Cassie will be glad to help you." sabi ng mama niya rito.
Kaagad na nilingon niya ang mama niya na ngiting-ngiti lang sa lalaking nasa harapan niya. Napataas siya ng kilay nang magalang na sumagot si Nikolas.
"I don't know, ninang. Lately kasi busy si Cassie with some.." Pinanlakihan niya ang mata nang bitinin nito ang mga salita. "..stuff." pagtatapos nito.
Her mama waved her hand dismissively. "Oh, nonesense! Cassie will be happy to help. Right, Cassie?"
Hilaw na nangiti siya sa mama niya. "Sure. But I don't think Nikolas needs my help. He's really well aquainted. Mas marami na nga po siyang kilalang students kesa sa'kin. I think he can definitely manage."
"Really? That's good, hijo." sabi ng papa nitong si Nikolo.
"I hope they're not some women. Nikolas always has this bunch of girls when we're in the US." nag-aalalang sabi ng mommy nito.
"Mom!"
Natawa siya sa narinig. Eh kung ibuko niya kaya ito sa mommy nito na sandamakmak ang babaeng naghahabol dito sa university.
"What? I'm just saying, hijo. May dinedate ka na ba?" tanong ng mommy nito.
Nikolas groaned. Namumula na rin ang mukha nito hindi niya alam kung sa pagkapahiya o sa inis o baka parehas. She crossed her arms and relaxed on her seat. This is interesting.
BINABASA MO ANG
ZWCS#6: Despacito
General Fiction"Mi vida, mi alma, mi amor." ZETA WEIBLICH COMMUNITY SERIES: a series collaboration of Frappauchino and YGDara. ZWCS#6: Despacito -Cassidy Anne Mendez