SANA...

57 1 0
                                    

Sasabihin ko na sana,

Kaso baka ayawan niya,

Baka kasi mabigla siya,

Kaya itinago ko muna.

Muli ko sanang susubukan,

Kaso pumasok sa isipan,

Hindi kaya niya ako iwasan?

Kaya wala munang aminan.

Teka nga, sigurado na ba ako?

Baka naman wala lang ito?

Pero bakit ganito?

Ayoko nang sa kanya ay lumayo.

Lumipas ang isang taon,

Lumipas na din ang mga pagkakataon,

Hanggang ngayon ay hindi makapagdisisyon,

Hindi parin nagagawa ang dapat gawin nuon.

Isang araw bigla kang lumapit,

Tila ba may hindi masambit-sambit,

Nang aking tanungin kung bakit,

Bigla ka na lang naiyak at pumikit.

Naguluhan ako bigla,

Boses mo’y parang nanghina,

Ano nga ba’ng problema?

Sinabi mo bigla na ikakasal ka na.

Biglang tumulo ang aking luha,

Pero pinilit kong ngumiti at batiin ka,

Lubos ang pagsisising nadarama,

Sana inamin ko nuon pa.

Bago ka umalis ay inakap mo ako,

Sabay abot ng isang sulat sa kamay ko,

Nakasulat doon na minahal mo ako,

Pero hindi ka sigurado sa nararamdaman ko.

Lalong bumuhos ang aking luha,

Sana sinabi ko nuon pa,

Sana nga nuon pa,

Sana, nuon pa. 

Poems CollectionWhere stories live. Discover now