Bakit kung kelan okay ka na,
Bakit kung kelan nagiging masaya na,
Saka mo napiling hindi na magparamdam,
Saka mo pa napiling hwag nang ituloy.
Bakit kung kelan napapansin na kita,
Bakit kung kelan hinahanap na kita,
Saka mo naisipang huwag nang magpakita,
Saka mo pa naisipang walang patutunguhan.
Bakit kung kelan naiisip na kita,
Bakit kung kelan nagugustuhan na kita,
Saka mo napagdesisyunang hindi mo kaya,
Saka mo pa napagdesisyunang itigil na.
Bakit kung kelan papayagan na kita,
Bakit kung kelan mahal na kita,
Saka ka hindi nagpakita,
Saka ka hindi nagparamdam.
Bakit kung kelan kinakalimutan na kita,
Bakit kung kelan binabalewala na kita,
Saka ka bumabalik,
Saka ka magpaparamdam.
Bakit kung kelan limot na kita,
Bakit kung kelan pinakawalan na kita,
Saka mo tatanungin kung pupwede pa ba,
Saka mo ipaparamdam na ako’y mahal mo pa.
YOU ARE READING
Poems Collection
Teen Fictioni'm also writing poems... pwede rin po akong gumawa by request kung gusto niyo.... kung gusto niyo magpagawa, comment lang kayo or post lang kayo sa mb ko. i do english and filipino poems. :]