MANHID

49 0 0
                                    

May nararamdaman ka na ba?

Sa tingin mo, ano ba siya?

Sino ba siya?

Siya nga ba ay mahalaga?

Di mo kayang sagutin,

Nagtatanong ka pa sa amin,

Pilit mo siyang gustong kilalanin,

Ngunit laging nag-iisip ng sasabihin.

Lito na ang isip mo,

Manhid na rin ang iyong puso,

Takot ka dahil sa nangyari sa’yo,

Malay mo, mag-iba ng tagpo.

Subukan mong kalimutan ang dati,

Para naman hindi nagbabakasakali,

Urong-sulong at wala sa sarili,

Hindi ka na kagaya ng dati.

Wala ka parin bang naaramdaman?

Tingnan mo’t gumagawa na nga ng paraan,

Manhid ka na ngang sinasabihan,

Ano ba talaga ang nararamdaman?

Nakatayo’t lumalapit,

Hayan at biglang mangungulit,

Puso parin ba’y nakapikit?

Subukan mo namang buksan saglit.

Ngayon, matanong lang kita,

Ano na ba siya?

Sino na ba siya?

Mahal mo na ba siya?

Poems CollectionWhere stories live. Discover now