Ang sabi mo,
Mahal mo ako,
Kasi maganda ako,
Ganda lang ba ang dahilan?
Kung bakit minahal mo ako?
Ang sabi mo,
Mahal mo ako,
Kasi mabait ako,
Ugali lang ba ang dahilan?
Kung bakit minahal mo ako?
Ang sabi mo,
Mahal mo ako,
Kasi matalino ako,
Utak lang ba ang dahilan?
Kung bakit minahal mo ako?
Ang sabi mo,
Mahal mo ako,
Kasi mahal kita,
Pagmamahal ko lang ba ang dahilan?
Kung bakit minahal mo ako?
Hindi ba pwedeng,
Mahal mo ako,
Kasi mahal mo ako,
At wala nang ibang dahilan,
Kundi yun lang.
YOU ARE READING
Poems Collection
Teen Fictioni'm also writing poems... pwede rin po akong gumawa by request kung gusto niyo.... kung gusto niyo magpagawa, comment lang kayo or post lang kayo sa mb ko. i do english and filipino poems. :]