AKIN

328 4 5
                                    

Alam ko,

Kahit anong mangyari walang magbabago,

Ikaw pa rin ang mamahalin ko,

Ngunit iyon ang alam ko.

Alam ko rin,

Kahit anong mangyari walang magbabago,

Ikaw pa rin ang taong nakilala ko,

Ngunit iyon lang ang paniniwala ko.

Alam ko na,

Kahit anong mangyari walang magbabago,

Ikaw pa rin ang tinitibok ng puso ko,

Ngunit iyon lang ang nararamdaman ko.

Alam ko lang,

Kahit anong mangyari walang magbabago,

Ikaw pa rin ang gusto ko,

Ngunit iyon lang ay pansarili ko.

Alam mo,

Kahit anong gawin ko,

Ikaw pa rin ang nasa puso ko,

Natitiyak kong hindi iyon magbabago.

Poems CollectionWhere stories live. Discover now