GANUMPAMAN

70 2 0
                                    

Minsan ang layo ng tingin mo,

Ano bang hinahanap mo?

Nandito naman ako,

Bakit  ang layo pa rin ng tingin mo?

Oo nga pala,

Hinihintay mo siya,

Nakalimutan kong may mahal ka na pala,

Wala pala akong karapatan umasa.

Isa lang naman ang gusto ko,

Sana pansinin mo rin ako,

Alam ko namang kaibigan lang ang turing mo,

Pero konting pagkilala lang naman ang gusto ko.

Ayos lang naman sa akin,

Ang gusto ko lang masaya ka sa kanyang piling,

Pero salamat na rin,

Kahit kapatid lang ang turing mo sa akin.

Isang bagay lang ang ayaw kong mangyari,

Sana huwag mong kalimutan ang iyong sarili,

Sana huuwag nalang siya palagi,

Paalala lang gaya ng dati.

Aalis na muna ako,

Hindi mo naman na kailangan ang tulad ko,

Hayaan mo’t babalik din ako,

Siguro, kapag wala na siya sa piling mo.

Sisiguraduhin ko lang muna,

Kapag bumalik ka sa’kin ay wala na,

Wala na akong pag-ibig sa’yo talaga,

Para hindi na ako ang manghinayang pa..

Poems CollectionWhere stories live. Discover now