AKO

129 4 0
                                    

Ako,

Ako na nagmamalasakit sa’yo,

Ako na laging nasa tabi mo,

Ako at hindi ang taong gusto mo.

Ako,

Ako na nagpapasaya sa’yo,

Ako na laging karamay mo,

Ako at hindi ang taong pinapangarap mo.

Ako,

Ako na nagseseryoso sa’yo,

Ako na laging iniiwan mo,

Ako at hindi ang taong sinagot mo.

Ako,

Ako na nagpapatahan sayo,

Ako na laging nagpupunas ng luha mo,

Ako at hindi ang taong nasa isipan mo,

Ako,

Ako na nagsasabi ng totoo sa’yo,

Ako na laging tinataboy mo,

Ako at hindi ang taong nasa puso mo.

Ako,

Ako na nagmamahal sa’yo,

Ako na laging binabalewala mo,

Ako at hindi ang taong minamahal mo.

Ako,

Ako na nagpapahalaga sa’yo,

Ako na laging sinasaktan mo,

Ako at hindi ang taong iniiyakan mo.

Ako,

Ako na ikaw na lang ang inisip,

Ako na laging ikaw na lang ang inalagaan,

Ako at ang martyr na pagmamahal ko.

Poems CollectionWhere stories live. Discover now