Ikalawang Kabanata (part 3)

97 2 2
                                    

" IKALAWANG KABANATA (part 3) "

YVONNE'S POV

simula nung araw na yun, iniwasan ko na si Josh.

Pag nakikita ko kasi si Josh, naalala ko lang yung mga nangyari sa Mc Do, yung ngiti ni Jade na napaka-plastic,na alam ko na malungkot siya at nag-seselos siya..

" Kapag lumubog ang barko, sino ang pipiliin mo para sagipin mo? " bigla kong na-over hear, wow relate much ako ah, nasa library kasi ako ngayon, nagrereview para sa science exam.

" si superman o si batman? " tuloy ng nagtatanong.

BOOM PANES!! nasira yung pagka relate ko. Akala ko naman napaka dramatic ng question tas si Superman at si Batman pala ang options...

Haaayy.... Mga estudyante talaga sa CNH walang ginawa kung di uminom ng bawal na gamot.. XD

Ayun naman pala, Si Phillip pala ang nagtatanong, what more do you expect?..., tinatanong niya si Michael ang bestfriend niya... 'Classmate ko yang dalawang yan.. Hindi ko nga alam kung BROMANCE pa rin ba matatawag ang relationship nila,dahil super close nila at hindi na naghihiwalay o may something na.. Hahaha...

Binatukan ni Michael si Phillip.

" bobo! superheroes ang mga yun eh! Edi pag nagkataon ako pa ang sasagipin nila.. Sira ka talaga!"

" ah ganun ba "

Lumabas na lang ako ng library dahil hindi naman ako makapag-focus dahil dun sa dalawa..Tumatawa pa nga ako pagkalabas ko ng library ehh, tinanong tuloy ako ng ilang classmates ko na nakakita sakin na tumatawa mag-isa..

"Yvonne, ayos ka lang?"

"Ininom mo ba yung gamot mo?"

"Naku,Yvonne diba lagi naman naming pinapa-alala sayo na wag mong kakalimutan na inumin ng gamot.. Para di ka na atakihin ng pagiging SISA,SIRA ULO,SPECIAL,UTO-UTO ETC..ETC.. Mo

Hahahahhaha"

"Hahahaha... Ewan ko sa inyo... Diba pwedeng natatawa lang?..

Sige mag-rereview pa ko..😊"

---------------------

Practice dito,practice doon.

Sports fest kasi namin ngayon at kasali ako sa Volleyball team, which is the most competitive team lalo na sa Sports fest.

" Yvonne let's go na! panoorin natin ang Basketball team! " Basketball team? kasali dun si Josh ah!

Pero, bawal ko siyang makita!!! juskoo, malapit na akong makamove-on eh.. Ayokong masira ang friendship namin ni Jade...

" Yvonne bilisan mo "

Hhaay.. Sige na nga...

Tumayo ako mula sa aking inuupuan at sinamahan si Jade papunta sa basketball court.

Naglalaro na ang basketball team,

4-RAINBOW vs. 4-EVAPORATION (section ni Josh)

Ang ganda ng section name namin noh? may connection sa tubig at ulan wahahaah anlakas kasi ng trip ng president ng CNH eh.Kaya wag ka nang magtaka kung may mga saltik,sayad ang mga estudyante dito..Alam mo na kung san nag-mana.. Wahahahaha...

Sa game nila natatalo ng EVAPORATION ang section namin.

Magaling ang team evaporation a.k.a. THE GWAPITO GANG (yun yung tawag nila sa sarili nila eh ) dinoble nila ang score ng section namin a.k.a. THE POGI MUSKETEERS,..

malay ko ba kung anong tumatakbo sa isip ng mga toh. May mga saltik talaga... Hahaha

Matatapos na ang Third Quarter nung biglang nadapa si Chester, isang sakitin pero magaling na basketball player sa section namin.

At ang unang tumulong kay Chester, si Josh.

Tug.Tug.Tug.Tug.

Ano toh, back to square one ang pag move-on ko.

--------------------

Natapos na ang basketball game, nanalo yung evaporation.

Maraming nabwisit sa Rainbow.

" Better luck next time guys "sabi ni Phillip

" Wait sinong nanalo ? "Tanong ko

" Yung evaporation Popot, ambobo mo talaga "

" Sisipain ko ang kalalakihan mo pag tinawag mo pa akong bobo "

" ....bobo "

Yan yung mga conversation namin sa classroom, tawanan kami kahit talo, Optimistic kasi ang 4- rainbow kahit may masamang nangyari maymagjojoke para pasayahin kami.

" Yvonne ang galing mo talaga, nanalo tayo sa Volleyball " sabi sakin ni Elizabeth kasama siya sa circle of friends ko, tawag namin sa sarili namin ' BRATZ ' kasi hilig naming panuorin yun since bata pa kami, kumpleto pa nga yung mga dolls ko na Bratz noon eh.

" Thanks Beth, pero magaling ka rin naman eh, we won't win kapag hindi ka nasa team namin "

" Thanks Yvonne, nasaan pala si Jade? "

" Umuwi na, linagnat kasi siya, kaka- fangirl sa basketball team "

" Tara Yvonne uwi na tayo " sabi ni Olivia, na kasali din sa Bratz.

" Ah kayo na mauna, inassign kasi ako ni Ma'am Rivera na i-track kung sino nanalo at kung sino hindi.

and besides, may sundo kasi ako ngayon eh "

" Okay Yvonne we're off "

" Bye guys "

wala nang tao sa room, nag habulan na si Phillip at Popot, tas lahat sila nag Mcdonald's na sa Town Center.

-------

Natapos ko na ang record ng nanalo sa hindi nanalo, with matching pink ink and cursive writing, si Mama kase laging Cursive ang sulat, kahit nung bata pa ako, kaya nasanay na rin ako sa cursive.

Nag inat ako at nag retouch ng make-up masyadong maaga kong natapos ang inassign saakin kaya nag-journey ako sa campus, malaki ang campus, pang-mayaman kasi siya at hindi naman ako naglilibot dito eh Classroom-Cafeteria-Gate lang naman kasi ang pinupuntahan ko.

Nag-walk ako sa corridor at may narinig ako soft and gentle sound na parang taong nag-iiba ng posisyon kapag natutulog, slow and quiet tas biglang " KALABOOM " may nahulog! ang lakas ng tunog.

Haalllaaa.....BAKA MAY MULTO... Ohmygeee...

" Ghost! wherever you are! If you hurt me I will unleash my Magical dark princess power on you!!! "

" .... "

" HAHAHAHAHAHHAHAHAAHHA Magical Dark Princess power daw? hahahaha " si Josh yun ah!

Pumunta ako kung saan narinig ko ang boses niya, sa Classroom ng 4-Evaporation.

Ang Classroom ng Evaporation ay nasa pinaka-dulo ng corridor.

Pumasok ako sa Classroom, at nakita ko si " Josh? "

" Yvonne "

" ah-hehe "

" Sige I'll go out na, baka nandun na service ko "

" No wait-Yvonne! "

" Bakit? "

" sit here "

umupo ako sa tabi ni Josh.

" Let's talk "

uh-oh.

💞💞💞💞💞💞

[ Hello readers, ang haba naman ng Kabanata II wahahaha sa next part ng Kabanata II magkakaroon nanaman ng sweet moments ng PHILLOT( Phillip and Popot) hahaha ]

Theme Writing ng IV-RainbowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon