[TeamA:Hello my detectives☺️..Sorry,medyo di ko nasusunod yung M-W-F ahh...Abala kasi sa pagfa-fangirl..😂😂..
Btw,about dito sa part6,tingin ko baka maguluhan kayo kung naa-alala niyo pa yung TW ni Yvonne.Pero don't worry,just go with the flow..Unti-unti ng magiging malinaw ang lahat.. Enjoy reading..☺️👌]
💞💞💞💞💞💞
AMBER'S POV
' Amber Pucket posted : Mentos is harthart '
hahaha pinost ko yan sa group ng IV-Rainbow, " Kalabaw na Nilaga " ang title ng group namin, dito kami nagpaparinig,lumalandi,nakikipag-away,at syempre dito kami nagpopost ng katangahan namin.
Naka-private ang group na ito at KAMI lang ang nakakakita, I'm surprised na wala pang nag-susumbong hahaha.
' Amber Pucket posted : Mentos is harthart
Julliette Maganda Ü , Popot Padilla , Veronica Morales liked this
Comments :
Michael Anastacio : Anong kalandian toh? Pati Mentos tinitira mo ah
Julliette Maganda Ü : walang hiya ka @Michael XD '
ay ganon ambilis mag bigay ng feedback ng mga kaklase ko.
' Comments :
Michael Anastacio : Anong kalandian toh? Pati Mentos tinitira mo ah
Julliette Maganda Ü : walang hiya ka @Michael XD
Michael Anastacio : Excuse me may hiya ako, kung wala akong hiya naka hubo't hubad ako lagi.
Julliette Maganda Ü : Ayy! sana hindi ka na mawalan ng hiya ewwwwwwww...
Amber Pucket : KAASAR KAYO! LAB moment ko toh eh XD.Nang-aagaw kayo ng eksena'
pagkatapos kong mag comment in-off ko na ang cellphone ko at humiga sa kama ko.
Tiningnan ko ang kisame, maganda yung kisame ko.
Nung bata ako, Mahilig ako sa astronomy tas sinuportahan ako ng magulang ko.
Pinapinturahan nila ang kisame ko na parang may nakatingin ka lang sa night sky, ang ganda ng stars at sobrang realistic ng paint.
Naalala ko na dati, tumitingin lang ako sa kisame ko hanggang sa makatulog na ako.
As I grew up, I just lost interest, siguro dahil nawalan ako ng faith na magiging astronomer ako sa baba ng grades ko.
But I really do like the ceiling, nakakarelax, nakakalimutan ko lahat!
Problema,Kaaway,Kaibigan,Crush, and even my very existence it's just- stars!
Siguro ako ang ceiling na ito, I am composed of stars.
Tinaas ko ang kamay ko at tinuro ang isa sa mga matitingkad na stars.
" Yan si Julliette "
Next tinuro ko ang isa sa malalaking stars " yan si mama at papa "
lastly tinuro ko ang pinaka malaki at pinakamatingkad sa lahat ng stars
" That is- " " TING " anak ng shampaw.
Back to reality.
Binuksan ko ang phone ko, tiningnan ko ang notification
" Damian liked your post on Kalabaw na Nilaga : Mentos is..."
yun lang yun? sinira yung moment ko.
sinara ko na ang phone ko, tumingin uli ako sa kisame.
wala na.
BINABASA MO ANG
Theme Writing ng IV-Rainbow
Teen Fiction" A classroom has stories to tell, secrets to say, and mysteries to unfold what does this classroom hold? "