[hello po mga readers, yung POV po na nagmamatch lang sa current timeline ay ang kay Popot, yung POV po ni Yvonne parang flashback lang sa mata ni Popot habang binabasa niya yung Theme writing ni Yvonne, parang rinerelive niya lang sa utak niya?hahaha napaka complex noh? ang talino ko kase XD]
...ENJOY READING...
💞💞💞💞💞💞
" IKALAWANG KABANATA (part 1) "
" The most memorable thing that happened to me this last school year of being a high school student is meeting the love of my life "
ayan ang nakalagay sa papel ni Yvonne, cursive ang writing Niya with matching pink ink pa.
Tinuloy ko pa ang pagbasa ko
" I first met my ( soon to be ) boyfriend outside our campus "
YVONNE'S POV
" Manong pwedeng bilisan? malapit na ako malate eh " sabi ko kay Manong Driver, tiningnan ko ang watch ko.It's 7:50 na kase tas 8:00 pa ang klase namin.
" Manong maglalakad nalang po ako papuntang school, malapit na rin naman po eh "
" ah sige Ma'am Yvonne , ingat nalang po " sabi ni manong Driver
" ah thank you Manong, I will " sagot ko with matching smile effect.
Ako nga pala si Yvonne Mendoza, 16 years old, Blood type O, isang Aries, at 4th Year Highschool sa Corkscrew National Highschool, 4-RAINBOW ang aking section.
Naglakad ako papuntang school mga 5 minutes walk lang naman siguro yun.
Kinuha ko yung pocket mirror ko at tiningnan ko kung intact pa ba ang make-up ko, napansin ko na medyo nabura ang lip gloss ko kaya I quickly grabbed my lip gloss at nagretouch.
Pero habang nagreretouch ako, hindi ko na tinitingnan ang dinadaanan ko at BLAGADUM! nabunggo ako.
" ahh, sorry.. "
narecognize ko yung boses niya, si Popot yun ah!!
" ohh.. Popot ikaw pala?." Sabi ko kay Popot with matching smile pa..😊
" hehe, ako nga.. Sorry ahh "
"It's okay Popot, pero bakit ka na naman tumatakbo?
May naiwan ka na naman sa bahay niyo noh?"
" ah-eh oo, narealize ko na hindi ko nadala math homework ko eh hihihi ( ^_^ ") "
"I see... Go!, run like hell, kaya mo yan.. Bilisan mo malapit na mag-time!" sabi ko kay Popot with matching pagtataranta sa kanya.. :D
" Thank you Yvonne " tumayo si Popot at nagstretching tas bigla tumakbo like Sonic, kasali kasi siya sa Track and Field at lagi siyang late kaya sanay na siya tumakbo.
habang tinitingnan ko si Popot na tumatakbo faster than the speed of light, nakita kong may naglalakad na lalaki na may uniform na CNH ( corkscrew national highschool ) din !
Tas bigla niyang inabot sa akin yung kamay niya, di ko napansin na nakaupo pa pala ako sa sahig, at ang nakakahiya pa eh
mala-mermaid ang position ko.. Naramdaman ko yung init na umakyat sa mukha ko.Na para bang after how many years sasabog ulit ang Mt.Pinatubo.
"Ahh,Miss hindi pa ba tapos yung pictorial? May maaabutan pa ba ko? " sabi ni Mystery Boy na ngumingisi pa
"CHE!" sabi ko
"joke lang miss.. Ikaw kasi eh, kanina ka pa naka-upo diyan tas yung upo mo pa pang-sirena... May I?" Inabot niya sakin ang kamay niya para ba tulungan akong tumayo at kinuha ko naman ito. (Choosy pa ba ko? Ako na nga tinutulungan..)As soon as nakatayo na ako I run fast but not as fast as Popot does , but fast enough to run away from embarassment.
-SCHOOL-
" Yvonne okay ka lang ?" sabi sakin ng bestfriend ko, si Jade
"okay lang ako Jade, bakit? may mali ba sa Make-up ko? kailangan ko ba mag-retouch?"nag panic ako at kinuha ko ang salamin ko.
Magulo ang buhok ko at wala na ang lip gloss ko sa labi ko,pulang-pula pa ang mukha ko.
Sinuklay ko ang buhok ko,pinunasan ko ang hulas na hulas kong mukha at kinapa ko ang lip gloss ko sa purse ko
"??? Jade have you seen my lip gloss? " tanong ko kay Jade
" Yvonne you just got here, paano ko makikita lip gloss mo? ano ako fortune teller?may third eye ? " sagot ni Jade sarcastic kasi siya.
" Jade sa multo ang nakikita ng 3rd eye hindi nawawalang lip gloss " I chuck e.
" Oh Hiramin mo nalang muna yung lip gloss ko, cherry yan " Inabot ni Jade ang lipgloss niya saakin
" Thanks Bestie you're the best "
Pero saan kaya napunta lip gloss ko? siguro nahulog ko sa may kalsada kung saan----- NONONO YVONNE ERASE THAT MEMORY ERASE ERASE...!!
- LUNCH TIME -
Naglalakad ako sa corridor nung biglang " Miss-Yvonne? "
Tumingin ako kung saan nanggaling ang tawag at nakita ko si
MYSTERY BOY!
" A-ah- Hello? Ikaw yung lalaki k-k-kanina diba? haha "
" ah oo ako nga, ewan ko kung sayo toh, pero baka sayo " Inabot niya ang strawberry lip gloss ko.
" ah! thank you! I thought I lost it and someone from mars stole it from me! "
" Do I look like a Martian ? "
" No, but are you? "
" Maybe , maybe not "
" YVONNE NANDITO KA PALA AKALA KO KUNG SAAN KA NAPUNTA,YOU HAD ME WORRIED SISSY!! " sigaw ni Jade, wala eh concerned bestfriend kasi siya eh.
" ah- okay, bye na Mr.? " sabi ko kay mystery Boy
" Josh " sagot niya
" Bye Josh. By the way thank you nga pala ulit.. :)"
"Welcome"
Naglakad na ako kasama si Jade nung " YVONNE ! "
tinawag ako ni Josh.
" Bakit? "
" Can I ask you a favor? "
" Yeah, sure.. Ano ba yun? "
" Pwede bang makuha ko yung number mo?" Sabi niya with matching killer smile and pa-cute face..
Tug.Tug.Tug.Tug.Tug.
sabi ng mga karpintero sa puso ko.
💞💞💞💞💞💞
Like it?? Just tell me.. And i'll update soon...
Support...support...support.. Hanudaw? Supot? XD hahahaha
BINABASA MO ANG
Theme Writing ng IV-Rainbow
Ficção Adolescente" A classroom has stories to tell, secrets to say, and mysteries to unfold what does this classroom hold? "