Bigo

272 9 0
                                    

Ako na ngayon na laging nag - iisa
Laging bigo at nawalan na ng pag-asa
Gusto ko ng kumawala sa buhay na ito
Hindi mapagbigyan, hindi ka makuntento

Sinabi ko sa iyo na nag - iisa lang ako
Sabi mo swerte ka dahil ikaw ang minahal ko
Pero bakit nagawa mong ipagpalit ang pagibig ko?
Sa isang taong hindi ko inakalang magagawang manloko

Napakasakit o, Diyos ko!
Hindi ko akalain na makakaramdam ng ganito
Gusto kong tumakbo, tumakbo ng tumakbo
Gusto kong makawala sa tindi ng sakit na ito

Minahal kita higit sa lahat, higit sa buhay ko
Pero ang pag ibig mo pala ay parang bigay ng isang diablo
Dobleng mukha, sa una ay nakakatuwa
Pero ng maglaon, iiwan akong isang dukha

Ang malas ko naman ikaw ang minahal ko
Nabulag ako dahil ikaw ay talagang guwapo
Pero ang kalooban mo at isip ay tila tuliro
Hindi ka makuntento at ako ay ipinagpalit mo

Sana ay masaya ka kung nasaan ka man
Siguraduhin mo lang ikaw ay kaya niyang pagbigyan
Sa lahat ng iyong kahilingan, kahit saan man
Tapat niyang pag - ibig nawa ay iyong makamtan

Love and other Stuff (Poetry Collection)Where stories live. Discover now