Hindi okay maging okay

340 7 2
                                    

'Yung akala ng mga tao okay ka lang lagi.
'yung akala nila lagi ka lang nakangiti
Tatawa sa bawat joke na marinig
Kakaway sa mga taong nakikita sa paligid

Kapag kausap ka nila ang galing-galing mong magpayo
Sa mga diskusyon mahusay magbigay ng kuro-kuro
Laging takbuhan ng tao kapag may problema
Sa mga solusyon, ikaw ang iniidolo nila

Pero hindi nila alam sa kabila ng mga ngiti
Sa kabila ng mga ng matatapang na salita
Sa likod ng mataray na mukha
Ay isang nilalang na durog at pilit na kumakaya

Pinipilit maging maayos sa harap ng mga tao
Kailangang maging matatag sa bawat pagngiti mo
Walang puwang ang lungkot, walang puwang ang luha
Kahit nadudurog ang mga ngiti ay kinakaya

Hindi lang nila alam na habang tinitipa mo itong mga letra
Ang mga luha ay pumapatak dahil sa problema
Hindi nila alam ang pamamaga ng mga mata dahil sa luha
Ang mga uhog mo na dumadaloy sa ilong dahil sa walang patid na pag-iyak

Nanlalabo ang mga letra dahil sa luha
Iniisip mo kung paano ang gagawin dahil parang may mali pa rin
Pilit iniisip kung saan ka nagkulang
Ang hirap maging okay, gusto kong matapos na lang

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 16, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love and other Stuff (Poetry Collection)Where stories live. Discover now