Bakit maraming bakit?

250 5 0
                                    

Bakit kailangang may masaktan?
Bakit kailangang may mag - iyakan?
Bakit hindi ba puwedeng tulad tayo ng nakaraan?
Na tayo ay lagi lang nagtatawanan?
Bakit wala na ang init ng halik mo?
Bakit ang yakap mo singlamig na ng yelo?
Bakit ang turing mo sa akin parang ibang tao
Nasaan na ang pangako mong magiging tayo hanggang dulo?
Nangako ka sa akin tayo hanggang huli
Pero bakit ngayon lagi kang nagmamadali?
Bakit hindi mo nga ako magawang tingnan
Bakit kahit ang kamay ko hindi mo man lang mahawakan?
Anong naging mali?  Anong naging kulang?
Ginawa ko naman lahat ng gusto mong makamtan
Pinilit kong baguhin ang sarili ko dahil iyon ang nais mo
Pinilit kong maging iba kahit hindi iyon ang pagkatao ko
Pero bakit ngayon ako na lang ang nagmamahal?
Bakit ngayon ako na lang ang nasasaktan?
Ikaw, umalis, iniwan ako kung saan
Paano ako babangon? 
Bakit iniwan mo akong parang basahan?

Love and other Stuff (Poetry Collection)Where stories live. Discover now