Chapter Three

26.8K 553 3
                                    

CHAPTER 3

"HINDI ko alam na may alaga ka palang rabbit." Pinasadahan lang ni Cyen ng tingin ang maliit na nilalang na abala sa pagngatngat ng carrots nito. Hindi na kasi niya naisauli ang kuneho dahil hindi na niya natagpuan pa ang tunay na may-ari.

"Ibabalik ko rin iyan sa may-ari niyan one of these days." Sa ngayon aalagaan pa niya iyon. At kapag may free time ulit siya ay sisilayan ulit niya ang kanyang iniibig.

"At hindi ko rin napapansin na panay ang stalk mo kay Cleverence Aldama." Pansin nito.

"Hindi naman ako stalker."

"Iyan ang akala mo." May inilapag ito sa harap niya. "Ito. Bagong kaso. Ikaw na ang humawak."

"Sure. Hahawakan ko lang naman ito di ba?"

"Basahin mo rin kung pwede?"

"Iyan, ayusin mo at ng magkaintindihan tayo."

"Gosh! Common sense lang naman iyan, Praia."

"Sorry, friend." Ngumisi siya saka tinanggal ang suot na salamin. "Lumayas muna si common sense dahil may date pa." Mas lalong lumapad ang pagkakangisi niya ng hindi na maipinta ang mukha nito sa asar. Akala siguro nito ay hindi niya ito sineseryoso. "Cool ka lang, Cyen." Tatawa-tawang awat niya dito.

"I'm cool!" Asar na wika nito. "Basahin mo iyan. Murder case iyan at ikaw ang hahawak ng kaso." Umupo ito sa harap ng kanyang mesa na tambak ng mga papeles at kung anu-ano pa. Maliban kasi sa pagiging isang matulunging social worker ay isa din siyang magaling na abogada de kampanella. Nagtatrabaho siya sa isang law firm kasama si Cyen, hindi naman talaga ito abogada. Nasa ibang department ito.

Ilang beses na ba siyang hindi pinaniwalaan ng mga taong kausap niya? Hindi na niya mabilang. Well, she can't blame them since she looks younger due to her genes. At ang isa pa ay ang palaging ayos niya. Sabi ni Cyen na dapat mag-suit daw siya at iba pang pormal na kasuotan na may monotonous at dry color. Yucks! Hindi siya ang tipong magsusuot ng ganoon. Sa isang tulad niya na lumaki sa Tokyo na sikat hindi lang dahil sa mga palabas na cartoons sa telebisyon pero pati na rin sa Asian fashion. Mahilig siya sa makukulay na damit since bagay naman iyon sa kanya.

Ang nangyari kapag may court hearing siya ay palaging name-mersonal ang ibang kaaway niya. Hindi naman siya padadaig. Para ano pa at naging abogada siya kung hindi niya alam protektahan ang kliyente niya at ang kanyang sarili?

"Kailan niyo ba ako balak pagpahingahin? Akala ko ba three clients lang for a month? Aba! Nakita niyo naman na marami pa akong dapat basahin at pirmahan na mga papeles dito." Hindi niya napigilang reklamo dito.

"Kausapin mo ang boss natin at huwag ako," anito na abala lang sa pagkutingting sa bagong nail polish nitong kuko.

"Best friend ba talaga kita?"

"Hindi. Kilala ba kita?"

"Ewan." Tumunog ang private line ng kanyang opisina. Galing marahil iyon sa kanyang sekretarya. "Hello?"

"Attorney Santos. Tumawag po si Boss, sabi niya ikaw muna ang makipagmeet sa isang client niya sa isang lunch meeting." Pumalatak siya ng marinig ang sinabi nito.

"What? They can't do this to me! Ako lang ba ang nag-iisang tao dito? Law firm ito for God sake! Maraming abogado dito na pwede niyang utusan." Lihim siyang napamura. "Saan ba iyan?"

Yeah! Ganoon lang kabilis magbago ang isip niya pati na rin mood. Sanay na nga ang mga taong nakapaligid sa kanya sa predictable niyang ugali. Hinahayaan lang siya ng mga itong magsalita ng kung anu-ano dahil pagkatapos naman n'on ay back to normal na siya.

R-W-C (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon