RWC Extra #1: Prove me

30.5K 557 29
                                    

RWC Extra #1:

            Napabuntong-hininga na naman siya habang nakatingin sa mga kasong hinahawakan niya ngayon. Dapat sana ay may date sila ng kanyang labidabs pero heto siya at kaulayaw ang mga papel na sa kasamaang palad hindi naman marunong magsalita.

            “Tok! Tok!” Nagtaas siya ng tingin at napangiti ng makita si Cyen na may dalang pagkain. Nakangiwi siya ng makita ang tatak ng paper bag na iyon. “Foods?”

            “Ayoko na niyan sawa na ako.” Totoo naman kasi iyon sa araw-araw ba naman na puro fastfoods nalang ang laman ng tiyan niya sino ba ang hindi magsasawa.

            “Sabi ko nga akin nalang ito.” Hindi siya nagugutom gusto lang talaga niyang magpahinga pero hindi pa pwede eh. Hindi naman kasi niya inaasahan na medyo mahirap pala pagsabayin ang ginagawa niya at ang magkaroon ng boyfriend na kasing hot ni Clev.  “Hay naku Praia magpahinga ka kaya muna?” anito sabay kagat sa burger na hindi niya alam kung paano nito naaatim na kainin. Well, kinain na niya iyan noong isang araw at last night pero hello nakakasawa na.

            “I will kapag natapos ko na ito.” Nasusuya siya kay Cyen, paano naman kasi ay nakakakapaglabing-labing pa rin ito kay Zest. Napasimangot uli siya ng maalala ang isang iyon at ito na kaharap niya. Habang nagdadrama siya sa buhay dahil akala niya ay may gusto nga ng tunay si labidads sa bestfriend ay magkasintahan na pala ang dalawa. May nangyayaring milagro habang abala siya sa pakikipagkarera kay kupido.

            “I hetchu!” sigaw niya dito.

            “Halabyu my friend, o sige may date pa kami ni Zest.” Sumimangot siya at sinamaan ng tingin.

            “Sige mainggit ka pa.” ngumisi lang ito sa kanya at nagflying kiss bago lumabas sa kanyang opisina. Napangiti lang siya ng may makitang isang bar ng snickers sa tabi ng paper bag na pinaglagyan nito ng pagkain nito. Kinuha niya iyon at nasagi niya ang laman ng paperbag, may isang can ng coke light. The best talaga ang bestfriend niya kapag kasi busy siya at hindi siya pwedeng matulog ang tanging kaulayaw lang niya ay isang bar ng chocolate at isang coke zero o kaya naman ay coke light.

            Umayos siya ng upo at tiningnan ang cellphone. Walang text message, ano pa nga ba ang aasahan niya sa boyfriend niya hindi nga yata uso ang cellphone doon… ay uso pala sa pagtawag ng mga clients. Nangangati na talaga ang mga daliri niyang padalhan ito ng mga messages kaso pinigilan niya ang kanyang sarili.

            Dapat siyang maging ideal girlfriend para kay Clev. Noong hindi pa sila madalas niyang kinukulit ito kung ano ang type nitong girlfriend at may listahan ito ng don’ts  and do’s.

            Una! Ayaw nito ng girlfriend na sobrang clingy ibig sabihin hindi niya ito pwedeng landi-landiin. Pangalawa, ayaw nito ng girlfriend na demanding. Iyon nga ang problema eh gustong-gusto niyang magdemand ng time dito. She wanted to be with him all the time kaso ayaw nga nito.

R-W-C (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon