CHAPTER 2
"ATE Praia, totoo po bang magugunaw na ang mundo?" Kumunot ang noo niya sa narinig niyang tanong ng isang bata na nasa poder niya ng mga oras na iyon. Isa kasi siyang social worker na lingid sa kaalaman ng iba. She is actually a licensed social worker at minsan ay naglalagi siya sa bahay ampunan upang bisitahin ang mga batang natulungan nila.
"Saan mo naman nahagilap ang tanong na iyan? Nakikinig ka na naman sa tsismisan sa mga lasing diyan sa kanto 'no?" Tanong niya. Nagtawanan ang iba pang bata na kasama nila.
"Sabi kasi ni Mang Carding magugunaw na daw ang mundo dahil sa eclipse."
"Hindi totoo iyan." Pagtatama niya sa sinabi nito. Tumayo muna siya at pinagpag ang mga dahong dumikit sa likod ng suot ng shorts. "Ituturo sa inyo ni teacher Faye ang tungkol sa eclipse sa klase niya sa science," aniya.
"Sana po huwag munang magunaw ang mundo." Ani ng isa sa pinakabatang tenant ng ampunan, si Mimi. Ulilang lubos na ito at dalawang taon pa nga ito ng makuha nila itong pakalat-kalat sa buong lansangan. Ngayon ay five years old na ang bata, at matalino rin.
"Bakit naman?"
"Kasi wala pang boyfriend si ate Praia." Siya naman ngayon ang pinagtatawanan ng mga ito.
"Gusto niyong kulamin ko kayo?" Mabilis na nagsipulasan ito palayo sa kanya. Nagbibiro lang siya pero natakot pa rin ito sa kanya. "Talaga bang mukha akong witch?"
"Praia." Agad siyang tumayo ng lumapit sa kanya ang direktora ng ampunan. "Tinakot mo na naman ang mga bata." Natatawang wika nito.
"Pasensya na po, direktora." Hingi niya ng paumanhin.
"Okay lang iyon. Alam ko naman na kahit takutin mo sila sa'yo pa rin sila lalapit." Ngumiti lang siya. Alam kasi niya iyon, masyadong napalapit ang mga ito sa kanya. "Nalungkot lang sila ng kaunti ng ampunin si Hazel." Tukoy nito sa five years old na batang babae na inampon ng isang mayamang mag-asawa dalawang araw na ang nakakaraan.
"Para din naman po iyon sa kinabukasan ni Hazel. Naghahanap na po ako ngayon ng pwedeng umampon sa iba pa." Malungkot na tiningnan niya ang mga batang masayang naglalaro sa mini-part ng bahay ampunan.
"Salamat talaga sa tulong mo, Praia."
"Walang anuman po iyon. Dadalawin ko lang po muna si Hazel sa umampon sa kanya." Paalam niya dito. Mabuti nalang at mabait ang mga adopted parents ng bata at hinayaan ng mga itong dalawin ito ng mga kaibigan nito mula sa bahay ampunan.
"Ikumusta mo na rin ako sa kanya, hija."
"Opo!" Tiningnan niya ang mga hand-made cards na gawa ng mga bata para sa kaibigan. Napangiti siya, alam kasi niyang matutuwas si Hazel kapag natanggap nito ang mga iyon.
"MGA bata. Huwag kayong umakyat sa puno baka mahulog kayo." Sita niya sa mga batang naglalaro sa tabi ng isang malaking bahay. Kagagaling lang niya sa bahay ng mga magulang ni Hazel. Balak sana niyang lakarin na lang ang palabas niyon dahil gusto din niyang makita ang buong lugar.
"Miss, nasa top po ng branch ng tree ang alaga ko pong pet." Turo ng isang bata na halatang kanina pa umiiyak dahil mugto na ang mga mata nito. Napatingin siya sa itinuro nitong alaga. Isang kulay putting kuneho ang nandoon.
"Paano iyan nakaakyat diyan?" Tanong niya.
"Hindi po namin alam." Suminghot ang batang kausap niya. Mukhang may balak pa yatang pumasok sa loob ng bahay ang kuneho gamit ang nakabukas na bintana na kalapit lang ng puno.
BINABASA MO ANG
R-W-C (PUBLISHED UNDER LIB)
RomanceNOTE: This is already published under Life is Beautiful (LIB-Pastrybug) publishing company, nasa PHR stores and NBS daw po siya. Then 109.75 ang price, nakakalula pala ang price na iyan. Sa mga nakabili na thank u very much for the support! I really...