Chapter Six

24K 519 10
                                    

CHAPTER 6

"AND why am I here again?" Maang na tanong niya sa mga pulis pati na rin sa boss niya ng dalhin siya ng mga ito sa bahay ni Clev. Nilalapatan din ng doktor na tumingin sa kanya ang kanyang mga sugat. Mababaw lang ang mga iyon kaya mabilis ding maghihilom ang mga sugat. At pwede naman nilang tanggalin ang maiiwang peklat thanks to different scar treatments in the market.

"So far, this place is the safest. Mas pabor ako kung sa kabilang bahay ka muna mamamalagi." Itinuro ni Jayerre ang bahay na katapat lang ng bahay ni Clev.

"At kaninong bahay naman iyan?"

"That's mine of course." Nakangiting wika ni Jayerre sa kanya. "At dahil sa mabait akong tao kaya payag akong diyan ka muna tumira at ng mabantayan ka ni Renz." Turo nito sa may-ari ng bahay na prenteng-prente lang na nakaupo sa sofa nito.

Bakit diyan pa ako sa kabilang bahay samantalang pwede naman dito? Gusto niyang itanong pero hindi siya makahanap ng bwelo.

"I am assuring you that the security of this place is one hundred percent perfect."

"Wey? Hindi nga?" Diskumpyadong tanong niya.

"Wala kang dapat ipag-aalala. Lahat ng mga kalye ng lugar na ito ay may CCTV camera. At mahigpit din ang mga guards." Singit ni Clev.

"Okay."

"Bakit kapag si Renz ang nagsasalita ay wala kang reklamo samantalang kapag ako ay pinagdududahan mo pa?" Nagtatampong tanong ng kanyang amo.

"Bakit? Crush ba kita?" Nakatikwas ang kilay na tanong niya dito.

Tumikhim lang ang mga nakarinig sa sinabi niya, samantalang natawa naman siya sa mga reaksyon ng mga ito. Ang daming nangyari sa kanya ng araw na iyon. Parang pasirku-sirko lang ang naging emosyon niya. Lahat na yata ay naramdaman na niya no wonder pagod na pagod ang katawan niya.

"Don't sleep in my house." Maya-maya ay untag ni Clev. Pinilit niyang buksan ang mga mata and then smile sabay yakap ng throw pillow na nasa inuupuan niya.

"Do you know how handsome you are Clev?" Tanong niya. "I bet mas gwapo ka pa kapag ngumiti ka." Ipinikit ulit niya ang kanyang mga mata. Naramdaman niyang may mainit na bagay na bumalot sa katawan niya. Comfort! Hindi nga niya pinansin ang isa pang malambot pero mainit ding bagay na dumampi sa kanyang mga labi. "Hmmn." Tanging nasabi lang niya. The last one is great!

"AW!" Hinawakan niya ang ulo niya ng magising siya mula sa inuupuan niyang sofa. Inalis din niya ang kumot na nakabalot sa katawan niya. "Saan naman ito nanggaling." Sinipat niya ang nakabukas na bintana. Balak sana niya ay tumayo at maglakad-lakad. Pero ng makita ang ganda ng papalubog na araw ay natigilan siya.

"Para akong sumakay ng roller coaster ng sampung ulit dahil sa pagod." Sambit niya sa kanyang sarili. Ipinikit ulit niya ang mga mata saka muling sinamyo ang... "Ano iyon?" May naaamoy kasi siyang mabango. Pamilyar sa kanya ang amoy, kahit hindi siya marunong magluto ay alam naman niya ang amoy ng mga iyon. Tumayo siya at naglakad papunta sa pinanggalingan ng mabangong amoy na nalalanghap niya.

Agad na sumikdo ang puso niya ng makita kung sino ang nagluluto sa loob ng kusina. Tiningnan niya si Clev habang abala sa pagluluto ng kung ano doon. Napalunok tuloy siya ng wala sa oras. Everytime he moves his arms she could see how his muscles moves too. At naramdaman na rin niya kung paano makulong sa nakakadarang na mga bisig na iyon.

Marahan itong lumingon. "Gising ka na pala."

Ha? Pakiramdam niya ay may nagbago dito. Tama! Nawala na ang intimidating aura nito na kapag nilalapitan niya. Naging mas approachable ito. "Ah, yeah."

R-W-C (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon