Chapter Four

24.7K 548 9
                                    

CHAPTER 4

KATATAPOS lang niyang ibalik sa tunay na may-ari si Barbie. Ang kunehong nahiwalay sa tunay na amo nito. Napaka-pathetic talaga niya, saka lang kasi niya naalala na linggo nga pala ng araw na iyon. Gustuhin man niyang makita si Cleverence ay malamang tulog pa ito. Nakonsyensya kasi siya sa kanyang ginawa kahapon. Hindi niya dapat sinagot-sagot ang boss niya sa harap nito. Dapat pala ay hinila niya sa isang lugar ang kanyang amo ng wala ito at saka pinagsasaksak ng mga matutulis na salita. Napabuntong-hininga nalang siya.

"Umuwi nalang kaya ako? Sayang naman, hindi ko siya makikita." Bulong niya sa kanyang sarili.

Nagsimula na siyang maglakad sa kung saan-saang kalye palabas ng subdivision. It's really a peaceful place. It is still ten in the morning at marami na siyang nakikitang mga bata na naglalaro sa kung saan-saan. May ibang umaakyat ng puno, samantalang iyong iba naman ay naghahabulan sa playground. Katulad nalang ng tatlong lamang lupa na naging dahilan ng paghinto niya sa paglalakad dahil paikot-ikot ito sa harap niya. Huminto lang ang mga ito ng may isang nadapa.

"Hala, lagot ka sa mommy niyan Alex." Pananakot ng isa sa mga batang kalaro ng batang nakahandusay na sa lupa.

"Anong ako? Ikaw ang dahilan kung bakit nadapa si Ernest, Drake." Nagturuan na ang mga ito. Sabay na nagsitakbuhan ang dalawa ng nagsimula ng pumulahaw ng iyak ang kakawang paslit na hindi pa rin magawang tumayo. Yumuko siya upang kahit papaano ay magpantay ang

height niya sa bata na balak niyang sagipin.

"Iiyak ka lang ba diyan?" Tanong niya na hindi man lang nag-abalang tulungan ito sa pagtayo. Umiiyak pa rin ito. "You are Ernest, right?" Suminghot ito sabay tango.

"If you are a boy kahit na nadapa ka dapat marunong kang tumayo ng hindi tinutulungan ng iba. Paano kung wala ako or ang nagbabantay sa iyo? Sino ang tutulong kapag nadapa ka ulit, di ba wala? Kaya ngayon pa lang ay dapat maging brave ka na.

Tumayo ka kapag nadapa ka kahit iniwan ka na ng lahat ng tao. At kahit nasasaktan ka kung hindi naman masyadong masakit huwag kang iiyak ng ganyan." At nakinig naman ito. Unti-unti itong tumayo at humarap sa kanya. This child is cute, aniya habang nakatitig dito. Gamit ang sariling mga daliri ay pinalis niya ang luha sa mga mata nito. "Iiyak ka pa ba?"

Umiling ito. "Hindi na po."

"Tama iyan. Be strong." Tiningnan din niya kung may sugat ba ito dala ng pagkakadapa. Meron itong galos sa tuhod dahil namumula iyon.

"I didn't know may soft spot ka pala sa mga bata?" napapitlag siya ng may marinig na pamilyar na boses na nanggaling sa likod niya.

"Clev!" Gulat na sambit niya. "Good morning." Bati niya dito ng nakabawi na siya sa gulat sabay ngiti ng pagkatamis-tamis. "Bakit ka nandito?"

"Just roaming around." Oo nga naman, sa kanila naman kasi iyon.

"Ninong Renz," napahinto siya ng lumapit ang batang 'tinulungan' niya kanina. Sa isang iglap lang ay karga na nito ang batang lalaki. Wow! What a muscle, yummy.

"Inaanak mo pala siya? Gamutin mo ang sugat niya," turo niya sa namumulang tuhod nito. Kung tinulungan nga siya nito noong nakaraang araw sa kaunting galos na natamo niya ay alam niyang hindi ito magdadalawang isip na sagipin ang munting paslit. Hindi rin nasayang ang effort ko na dalhin dito sa barbie ngayong araw na ito. Gusto niyang tumili sa saya kung hindi lang nakakahiya dito.

"Wala akong dalang first aid kit. Let's go to the doctor." Inosenteng wika nito habang nakatingin sa kanya. Damn him for looking too cute early in the morning! Kaasar! Mas lalong nadadagdagan ang pogi points niya dito. At saka may isang bagay siyang napapansin. Hindi na ito kunot-noong nakatingin sa kanya. Kahit hindi pa siya nito pinapatawad sa ginawa niya noon, ay malamang kinikilala na rin siya nitong isang tao.

R-W-C (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon