CHAPTER 9
MULA sa di kalayuan ay tanaw na tanaw niya ang dalawang nilalang na naging parte ng buhay niya. Tinawagan niya kanina si Clev na makikipag-usap siya dito sa restaurant na pinagkainan nila dati. Pero sa halip na siya ang madatnan nito ay si Cyen.
"Hoo! Ang sakit!" She giggled with tears. Nagpasya na siyang lumayo doon bago pa man niya maramdaman ang pagseselos sa kaibigan. She even wished na sana hindi nalang ito dumating at sana siya nalang ang nasa lugar nito.
Natatawang pinahid niya ang mga luhang nagsimula ng maglandas sa kanyang mukha. She is still a cry baby. She didn't even make a move when someone bumped her, at ang kawawang katawan niya ay lumipad sa kung saan. Mas lalo lang tumindi ang pag-iyak niya ng mabagok ang ulo niya sa pader.
"Sorry, miss." Tinakpan niya ang kanyang mukha at lihim na napahagulgol. "Nasaktan ba kita? Hindi ko talaga sinasadya, wait! I will bring you to the hospital." Naramdaman niya ang paghawak ng kung sino sa mga bisig niya. Hindi siya pamilyar sa mga kamay na iyon. at kahit na magmulat siya ng mga mata ay alam niyang hindi si Clev ang makikita niya at iyon ang mas masakit.
"Princess Aina?" Bigla siyang natawa ng marinig ang buong pangalan niya kahit na umiiyak. Pinunasan niya ang kanyang mga mata gamit ang mga palad niya saka tiningnan ang nagsalita. "I knew it, it's you. I'm really sorry-."
"Stop it Zest. I'm okay." Sumigok pa siya.
"You are crying."
"Nagdadrama lang ako."
"At hindi mo ako tinatarayan."
"Gusto mong tarayan kita?"
"Of course not!" Ito na mismo ang nagpunas sa mga naiwang luha sa kanyang mga mata. "Sino naman ang gagong nagpa-iyak sa iyo. Halika gulpihin natin." Na-touche naman siya sa sinabi nito. It's the first time na hinayaan niya itong makausap siya ng maayos. Palagi niya kasi itong binabara dahil sa hindi niya type ang panliligaw nito sa kaibigan niyang si Cyen.
"Huwag na. Saan ka pupunta?"
"Sa loob." Pinigilan niya ito ng magsimula na itong maglakad papunta sa loob.
"Huwag."
"Ha?"
"Huwag kang pumasok sa loob. Masasaktan ka lang, promise." Alam naman niyang gusto pa rin nito si Cyen kahit na pinagtatabuyan niya ito palayo sa kaibigan. At ayaw na niyang mandamay ng ibang tao. Pero hindi ito nakinig at talagang pumasok. After a few moment at bumalik na ulit ito sa kanya.
"I should have listen to you," anito. "Siya ba ang iniiyakan mo
ngayon?" Isang marahang tango lang ang ibinigay niya dito. "Bakit mo siya hinayaan-." Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil nagsimula na naman siyang maiyak. "Damn! Ayokong nakakakita ng babaeng umiiyak." Marahan siya nitong niyakap. Hinayaan siya nitong umiyak sa dibdib nito. But she can't find the security she felt when she is in Clev's arms. Iba kasi ito.
"Mabait ka naman pala." Wika niya.
"Ngayon mo lang nalaman?" Tumawa ito. "Dapat noon pa."
"Nahihilo ako."
"Buntis ka?"
"Oo at ikaw ang ama."
"Darn! We should have used protections." Natatawang tinampal niya ito sa braso nito.
"Dalhin mo ako sa hospital. Masama ang pagkakabagok ko." Napasinghap ito ng may makita ito sa ulo niya.
BINABASA MO ANG
R-W-C (PUBLISHED UNDER LIB)
RomanceNOTE: This is already published under Life is Beautiful (LIB-Pastrybug) publishing company, nasa PHR stores and NBS daw po siya. Then 109.75 ang price, nakakalula pala ang price na iyan. Sa mga nakabili na thank u very much for the support! I really...