Chapter Seven

23.4K 526 6
                                    

CHAPTER 7

"I KNOW, hindi ako habang buhay na aasa lang sa kanila kaya kailangan ko ring magsumikap." Mas lalong tumaas ang lebel ng paghanga niya para dito. Saludo talaga siya sa mga masisikap na nilalang.

"Kahanga-hanga ka naman, Clev. Saludo na talaga ako sa iyo. So, ibig bang sabihin niyan pinapatawad mo na ako sa ginawa ko noon?"

"Hindi."

"Bakit?"

"Ayoko lang."

"Masama ang nagtatanim ng sama ng loob. Hindi mo nakakalimutan." Banta pa niya. Nagkibit-balikat lang ito. "Don't tell me ayaw mo akong kalimutan?" Ang saya naman kung ganoon!

"Nagugutom ka pa ano?"

"Oo, eh."

"Pansin ko nga. Kung anu-ano nalang kasi ang naiisip mo."

"Bakit ba? Don't tell me hindi mo pa rin nakakalimutan si Hayca? Move on, man. Kasal na siya kay Clark at may mga anak na rin. Hindi ka pwedeng manira ng pamilya ng iba." May halong asar ang pagkakasabi niya ng mga salitang iyon dito. Maisip lang niya na maaaring may gusto pa rin ito kay Hayca ay nagsisikip na ang kanyang dibdib.

"Hindi ako maninira ng buhay ng iba. Besides I am looking at someone new right now." May iba na itong gusto? Sino iyon? Bakit hindi niya alam? Kailangan niyang makilala ang babaeng iyon at ng masabunutan na niya. Mukhang magiging kriminal pa yata siya.

"Bago ka magbagong buhay. Gusto ko lang sanang humingi ng tawad ulit sa nangyari noon. Kung may bagay man akong pwedeng gawin na ikakasaya mo ay gagawin ko."

"Kumain ka nalang diyan at ng maihatid na kita diyan sa kabilang bahay."

Nalulungkot siya. Akala pa naman ay good vibes na sila ni kupido pero hindi pa pala. Mukhang pinaparusahan siya nito dahil sa ginawa niyang kasamaan noong bata pa siya.

"MAGANDA din pala itong bahay ni bossing. Bakit hindi siya dito naglalagi? Palagay ko natutulog lang siya sa opisina niya." Wika niya. Talagang inihatid siya nito sa loob ng bahay ni Jayerre kahit anong gawin niyang tanggi.

"He is a workaholic man kaya asahan mo nang may kwarto sa loob ng kanyang opisina dahil doon siya matutulog."

"Ganoon? Bakit ba naging workaholic siya? Wait, matagal na ba kayong magkakakilala?"

"We are college friends."

"Kaya pala madalas kitang nakikita sa opisina these past few days."

"May pinag-uusapan lang kaming business."

"Mahirap bang magpayaman?"

"Hindi gaano."

"Yabang." She heard him chuckled. Bagsak na bagsak na talaga siya sa kamandag nito. Ika nga nila, nahulog na siya sa pinakamalalim na balon at wala siyang pwedeng daanan na makakaiwas sa dito.

"Dito ka na matulog." Binuksan nito ang isang silid doon.

"Bakit parang pamilyar ka sa bahay niya?"

"I built this house."

"Ha?"

"I am an engineer at heart."

"Hindi nga?"

"Oo nga."

"That mean your house and the rest of the house here are made by yours?" Manghang tanong niya. Tumango ito. "Pwede bang ikaw na rin ang gumawa ng bahay ko? Kakilala naman kita kaya may discount ako, pwede?"

R-W-C (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon