(Neo's POV)
"Neo, ang daming chics oh. Di ka ba papatos kahit isa?" Tanong sakin ni Zander, Zander Smith, isa sa barkada ko. Chic boy yan. Palibhasa gwapo. Madaling magsawa sa babae. Sa isang araw, siguro nakaka-limang bababae siya.
"Kahit naman hindi pumatos yan, may kusang lalapit dyan." Sabi naman ni Joshua. Joshua Santos, Mahilig rin yan sa chics pero nagtatagal naman yung mga babae niya kahit papano. Siya naman yung may ari ng bar kung nasaan kami ngayon.
"Uwi na tayo." Pagi-ibang topic ko.
"Nag e-enjoy pa kami. Mamaya na." Sabi naman ni Cloud habang may kandong kandong na babae. Cloud Mendoza full name niya. Siya yung pinaka g-ago samin. Mahilig kumama ng babae. Hindi na nga lang kami magugulat kung mamatay yan bigla dahil naubusan ng sperm.
"Oo nga, Neo. Hayaan muna natin yang mga yan. Ngayon nalang ulit mga nakapagligalig yan sa dami ng gang fights natin eh." Sabi ni Clyde, Clyde Montello. Siya yung pinakamatinong kausap samin kahit na masungit yan. Lapitin ng babae pero madalas, tinataboy niya lang. Parang ako, lapitin pero yung mga pasok lang sa taste ko yung pinapatos ko.
Tinulak na bigla ni Cloud yung nakakandong sakanyang babae at nilapitan yung babaeng halos buong kaluluwa na ay kita.
"Hoy, T-angina mo ka girlfriend ko yan!" Sigaw ng lalaki habang tinuturo si Cloud at yung babae. Inawat naman nung mga kasama nung lalaki yung lalaki. Ayos ah? May "mo" na, may "ka" pa? Tsk tsk.
"Par, wag mong sasaktan yan. Isa sa leader ng Black Government yan. Baka gusto mong masampolan." Sabi nung isang kasama nung lalaki. nagbago naman ang ekspersyon ng lalaki at biglang yumuko at pinalo yung lamesa kung saan nandun sila kasama ng mga barkada niya. Nagtitimpi lang siguro ng galit to.
Harap harapang hinalikan ni Cloud yung babae sa harap nung boyfriend nito. Hindi nalang tinitingnan nung lalaki yung ginagawa nung girlfriend niya at si Cloud. Natapos ang ilang minuto, tinulak na ni Cloud yung babae sa boyfriend niya.
"Next time, par. Mag girlfriend ka ng hindi nagsosuot ng bating suit sa loob ng bar. In short, wag kang mag girlfriend ng malandi." Hirit ni Cloud dun sa lalaki. Tinitigan lang ng masama nung lalaki si Cloud. Kung nakamamatay lang ang pagtitig, kanina pa nakaburol tong si Cloud.
"T-angina." Mahinang mura nung lalaki.
**
"Lupit mo talaga, Cloud!" Sabi ni Zander.
"Walang kupas!" Joshua.
"Tss. Basic lang yun." Cloud
"G-ago ka talaga, Cloud. Kahit may boyfriend pinapatos mo." Clyde.
"Gwapo eh." Sabi naman ni Cloud
Ilang oras rin silang nag kwentuhan nang maisipan nilang umuwi na kami.
"May gang fight daw ang Breakers at Satanix ngayon, ah? nuod tayo?" Sabi ni Zander.
"Tara!" sabi ni Joshua.
"Utak nga, gamitin niyo. Kahit naman hindi kayo sumang ayon kailangan nating pumunta. Alam niyo na, rank #1 tayo." Sabi ni Clyde. Kami yung rank #1 sa buong gang ng Pilipinas. Kaya kami rin yung humuhusga sa mga magiging rango ng ibang gang. Hinuhusgahan namin yun sa isang gang fight. Kapag nanalo ang isang gang laban sa kabilang gang, sila na ang papalit sa rango ng gang na natalo nila.
"Kayo kasi. Oh, tara na. Kita-kita nalang tayo dun." sabi ni Cloud at sumakay na sa sasakyan niya. Sumakay na rin kami sa bawat sasakyan namin at tinungo kung saan ginaganap ang bawat gang fight.
Pagkarating namin, umupo kami agad sa mga upuang nakareserba samin.
"Narito na ang Dark Government, maaari na nating simulan ang laban." Sabi nung MC at naghiyawan naman ang mga tao dito. Exclusive lang tong lugar na to para sa mga gang dahil tagong tago ito.
Nagsimula ang laban ng Breakers at Satanix.
"Breakers!/Satanix!" Hiyaw ng mga tao. Lahat sila ay may kanya-kanyang panig. Di nagtagal, natapos ang laban at ang Satanix ang nanalo.
"Ang panalo sa laban na ito ay ang Satanix! Kayo ay nasa ika-26 na rango na. Ang sunod naman, lalabanan ng Satanix ang Black Government!" Halos lahat ng tao, natigil sa paghiyaw. Pati kami rin napatigil. Kakalabanin? kami? Ngayon lang to mangayari. Lalabanan namin ang gang na wala sa rank 15 pababa.
"Tinatamad akong lumaban pero, sige. Umpisahan na natin to." Sabi ni Cloud habang pinatutunog pa ang kamay niya. Tsk, kahit kelan talaga to, Napakayabang.
"B-ba't kalalabanin pa namin ang Rank #1?" Tanong ng isang lalaki na nasa grupo ng Satanix na hingal na hingal pa rin dahil sa nangyaring laban kanina.
"A-aatras nalang kami." Sabi nang naturingang lider nila. Napailing nalang ako.
"Narinig namang nating lahat ang desisyon ng lider ng grupo ng Satanix." sinabi ng MC. Nagtawanan naman ang ibang nanunuod.
Nakayukong lumabas ang grupo ng Satanix. Lumabas na rin kami dahil tapos na ang laban.
"In-announce palang na kakalabanin tayo, umatras agad." Sabi ni Joshua.
"Lakas kasi natin masyado, haha." sabi ni Zander.
"Utut niyo. Ako lang malakas dito." Cloud
"P-uta Cloud ang yabang mo talaga." Joshua
"May ipagyayabang eh," Cloud
"Ang daldal niyo. Mauuna na ako sainyo bahala na kayo." sabi ko.
"Sige, umalis ka na!" pagtataboy sakin ni Cloud. Ano bang klaseng kaibigan 'to, ha? -_-
Iniwan ko na sila at sumakay sa sarili kong kotse. Pagkadating ko sa bahay, walang tao. Dumiretso na ako sa kwarto ko at natulog.
BINABASA MO ANG
Troublemakers vs. Dark Government [Gangsters Clash]
Action[Troublemakers vs. Dark Government [Gangsters Clash] - Tempo. Title] * ON HITAUS * Date Created: March 26,2014 Date Ended:_____ __, ____