(Daniela's POV)
“Do we really have to come?” Tanong ni Francis habang naka crossarms.
“Yep.” Sagot ni Jade. “...Party 'yun ng mga leaders.” Dugtong pa nito.
“Ha? Seryoso ka?! Makakapunta tayo dun?!” Manghang tanong ni Francis. Pati rin naman ako, nagulat. Tuwing sasapit kasi ang Party ng mga Leaders, hindi kami nakakasama. Same reason, babae nga kasi kami. Lagi nila kaming minamaliit. Ang sarap pugutin ng mga ulo nila.
“I got connections.. and ways, too.” Nakangising sabi ni Jade.
“Wah! From the first time in foreve---♫” Hindi na natapos ni Francis 'yung pagkanta niya dahil agad na tinakpan ni Kyle ang bunganga nito.
“May duct tape ba kayo?” Tanong ni Kyle habang hindi parin binibitawan ang bibig ni Francis.
“Hmmpp! Hmmp!” Unggol ni Francis sa ginagawa ni Kyle.
“Wala, eh. Nasa condo ni Denice.” Sabi ni JC.
“Pwede ba, JC, laos na 'yang Denice na 'yan. Nakulong na, eh.” Sabi ni Kyle kay JC. Inirapan lang ni JC si Kyle.
“Hoy, Kyle. Bitawan mo na nga 'yang si Francis.” Utos ni Jade na agad namang sinunod ni Kyle. Nakatingin ng masama si Francis kay Kyle, pero parang wala lang 'yun kay Kyle.
“Nakakainis ka na, ah! Yung line lang namang 'yun yung kakantahin 'ko, eh!” Reklamo ni Francis.
“Uy, Jade. Anong oras nga ulit 'yung party?” Tanong ni Kyle kay Jade, tila ba hindi narinig 'yung sinabi ni Francis.
“Mamaya, 8:00pm, sharp. By the way, costume party daw yun.”
“Costume party?!” Sabay sabay naming tanong. Seriously?! Costume party?! Hello! Are they insane?!
“Just kidding. Wear your decent clothes, guys. See 'ya'll!” Tapos nun, bigla nalang siyang umalis sakay sa kotse niya.
(Jade's POV)
Iniwan 'ko na sila at saka umuwi sa bahay. Actually, I planned it. Yung tungkol sa Gangsters Party? Dapat, hindi nanaman ulit kami kasama sa event na 'yun, pero pinilit ko yung si Neo.
Flashback
“Expect us at the event.” I said, habang siya, napahinto sa pag pupunas ng tv 'ko. Nandito siya sa unit 'ko, nag lilinis ulit. Sakanya 'ko 'to sinasabi dahil alam kong siya ang magmamanage ng Gangsters Party dahil siya ang slave 'ko at nalaman ko rin sa research ko, na siya ang bumuo ng grupo nila. Ganun ang proseso. Kaya masyadong matrabaho ang pagiging Leader ng Rank #1. Pero kahit ganun, marami pa ring naghahangad nun. Kasi ikaw, o kayo ang magiging pinakamakapangyarihan sa lahat ng gangsters. Hindi ko lang alam at wala akong balak alamin kung bakit at paano nakakahanap ng oras ang mga lalaking 'to pero wala talaga akong balak alamin.
“What?! Alam niyo namang hindi kayo pwede dahil mga babae kayo----”
“P*TANG BABAE 'YAN! ANO BA?! DAPAT BA MAGING LALAKI KAMI PARA LANG MAKAPUNTA DUN KAHIT ISANG BESES LANG? SH*T LANG. HINDI MO BA ALAM NA SIMULA PALANG NANG MAGING GANGSTERS NA KAMI, HINILING NA NAMIN NA MAKAPUNTA SA EVENT NA 'YAN. NAGPALAKAS KAMI. AT GLADLY, NAPUNTA KAMI SA RANK #10 NA DAPAT AY RANK #1 NA DAHIL NATALO NAMIN KAYO. SH*T LANG TALAGA. SH*T LANG.” And then, a tear fell from my eye. Nagulat naman siya sa reaction at emotion ko, kaya lumapit siya sa'kin. He keeps on telling me na tumahan na daw ako, but I did'nt mind him. I cried harder instead.
He sighed, “Fine. Just... just stop crying.” And, he caressed my back.
“Are you sure?” Tanong 'ko sakanya habang umiiyak parin. He nodded, and smiled. Parang nakaramdam ako ng something sa tyan ko ng makita kong ngumiti siya, and d*mn! Ang gwapo gwapo niya pala--- Erase! Shove that thougt away! “How can you prove it?” Tanong 'ko ulit.
“Ang kulit mo rin, eh no? I told you already that you, and your friends can come.”
“Wala nang bawian, ah?” Paninigurado ko ulit. Tumango tango naman ulit siya at itinaas ang kanang kamay niya.
“Wala na. Promise.” Pagkasabi niya nun, tumigil na ako sa pagiyak ko at nagsmirk. Napakunot naman ang noo niya. “Don't tell me... You're just...” Sabi niya pero hindi ko na pinatapos dahil agad akong nagsalita.
“Yes, I'm just acting, stupid.” Sabi 'ko at punas pa ulit dun sa luha na tutulo ulit sana. “You already promised. No taking back of words.” Sabi 'ko at papasok na sana ng kwarto 'ko pero bigla siyang nagsalita. “Hindi ko babawiin yung sinabi 'ko. Basta mag-iingat lang kayo dun.”
Tiningnan 'ko ulit siya at ngumisi lang. “We will, father.” I said sarcastically. Napangisi rin naman siya.
--
I know, sabaw talaga siya at short pa. XD And sorry rin, kung walang point of views ang boys. Pero, maybe next updates, meron na. Pasensya na rin dahil ngayon lang ako nag update. Hehe. Comments please! ^_______^
BINABASA MO ANG
Troublemakers vs. Dark Government [Gangsters Clash]
Action[Troublemakers vs. Dark Government [Gangsters Clash] - Tempo. Title] * ON HITAUS * Date Created: March 26,2014 Date Ended:_____ __, ____
![Troublemakers vs. Dark Government [Gangsters Clash]](https://img.wattpad.com/cover/14019379-64-k263004.jpg)