(Jessica's POV)
"Hoy, Jessica! Gumising ka na!"
"Mamaya na, Ma."
"May pasok ka pa!"
"Tsk."
"Di ka ba talaga gigising? Susunugin ko yung mga---"
"Eto na po! Babagon na!" Inis na sabi ko at pumunta sa banyo. Tama, mama 'ko yun. Mama 'ko pero hindi man lang ako tinulungang maghanap ng school at i-enroll dun. Ang sabi niya kasi, "Ikaw ang may kasalanan kung bakit ka na kick out. Kaya solusyonan mong mag-isa 'yan."
Lumabas na ako sa banyo dahil tapos na akong maligo. Nagsuot naman ako ng damit bago bumaba. Umupo muna ako sa mesa bago nilagyan ng palaman yung tinapay 'ko.
Pagkatapos kong kumain, umalis na rin ako sa bahay para pumasok na sa school. Pagkarating ko, pinagtitinginan ako ng lahat. Di ko na lang sila pinansin at pumunta sa Guidance Office para kunin yung schedule 'ko.
"Jessica, Jessica Lopez." Sabi 'ko dun sa nagsisilbing guidance councilor. Tumango tango naman siya at pumunta sa may drawer at ibinigay sa'kin yung schedule ko. Pagkatapos, hinanap ko naman yung room 'ko.
"Asan na ba 'yung 205-B?!" Inis na bulong 'ko sa sarili 'ko. Pa'no naman kasi, kanina pa ako paikot-ikot pero hindi ko mahanap yung room na 'yun! Hindi pa rin natatanggal ang mga tingin sa'kin ng mga tao sa paligid 'ko. Maybe alam nila na nawawala ako, pero wala ni-isa sa kanila ang nag approach sa'kin.
Ilang minuto rin ang nakalipas, nahanap ko rin yung room ko! Agad akong pumasok sa loob at napatingin naman ang lahat sa'kin.
"You are...?" Tanong ng prof.
"Jessica Charmaigne Lopez."
"Oh, You must be one of the new transferee here at Sanford High?" Tanong ulit nung prof.
"Obvious naman po, hindi ba?" Magalang pero mataray na tanong 'ko. Pa'no naman kasi, kanina pa kaya ako naiinis dahil kanina pa ako libot ng libot para hanapin yung room na 'to, tas sasabayan pa niya ng tanong na alam rin naman niya ang sagot? Nawala naman ang ngiti sa kanyang mga labi.
She cleared her throat after speaking, "You may now seat beside Miss Candava."
"Uhm, sorry po pero hindi ko kilala 'yang sinasabi niyong Miss Candava. So pwede bang pakituro po muna?" Tanong 'ko ulit. Mukhang naiinis na yung prof sa'kin. Ngumisi lang ako.
"Miss Candava is Me. Monique Candava is my full name." Sabat nung babae na may mahaba at makinis na buhok. But wait, ba't ko ba pinupuri ang babaeng nakikisabat sa usapan ng may usapan?
"First of all Miss Candava, I'm not asking for your full name. At higit sa lahat, hindi ka kasali sa usapan kaya wag kang makikisabat." Sabi ko sakanya.
"I'm the school councilors president, for your information." Sabi pa niya habang nakangiti. Pero halata 'ko namang peke.
"Oh? You're the school councilors president? Well, wala akong pakialam. At hindi porket president ka ng school council, pwede ka nang makisabat sa usapan." Magsasalita pa sana siya ng bigla nang magsalita yung prof.
"Stop it, ladies. Miss Lopez, please just take a seat." Sinunod ko na rin naman siya. Naupo na ako sa tabi niya kahit ayaw ko pero nakatingin pa rin yung mga tao sa'kin.
"Titigilan niyo ba 'yang pagtingin niyo sa'kin o dudukutin ko ang mga mata niyo isa-isa?" Tanong 'ko. Mabilis naman nilang inalis ang mga tingin nila sa'kin at nagsimula nang magturo yung prof. At infairness, magaling siyang magturo. Dahil ako na minsan lang makinig, nakatutok sa mga lessons niya.
(Daniela's POV)
*kring*
Ahh! Atlast, break time na! Agad kong kinuha ang phone ko at tinext sila na sabay sabay kaming kumain at magkita kita na lang kami sa pintuan ng cafeteria.
Pagkarating 'ko dun, nandun na si Kyle at Jade. Mga ilang minuto rin ang nakalipas at dumating na si Francis na hingal na hingal.
"Anong nangyari sa'yo at ganyan ang itsura mo?" Tanong sa kanya ni Jade.
"Tumakbo ako papunta dito. Hehe."
Sampung minuto na rin ang nakalipas pero wala pa rin si JC. Kaya tinext 'ko nalang rin siya na hanapin na lang kami sa cafeteria. Kasalukuyan kaming naghahanap ngayon ng upuan kasi halos lahat, occupied na.
"Guys, dun tayo oh! Mukhang pang VIP!" Sabi ni Francis habang nakaturo sa upuan sa gitna. Ngayon 'ko lang napansin 'to.
"Oo nga. Mukha ngang pang VIP!" Pag sang-ayon 'ko sa kanya. Nagtungo kami dun at uupo na sana kaya lang may pumigil sa'min.
"Wag kayong uupo d'yan." Isang lalaki na may kasamang.. tatlong lalaki rin.
"At bakit?" Tanong naman ni Kyle.
"May nagmamay-ari na nang upuan na 'yan."
"Wala kaming pakialam kahit pa presidente ang may-ari ng upuan na 'to. Lumayas na nga kayo!" Sabi ni Kyle.
"Tsk, bahala kayo kung hindi kayo mapigilan." Sabi pa nung lalaki bago umalis kasama yung mga kasama niya. Pero yung mga tao, nakatingin lang samin.
(Jessica's POV)
Tapos na ang tatlong klase ko at nandito na ako ngayon sa cafeteria dahil break na.
"JC, dito!" Sigaw ni Francis. Lumapit naman ako sa upuan nila at nilapag na rin yung tray 'ko na may lamang pagkain at umupo.
"Wow ah. Mukhang sosyal 'tong upuan na nakuha niyo." Sabi 'ko.
"May nakaaway pa nga kami dahil dito, eh!" Francis.
"Ha? bakit?"
"Kasi, ang sabi may nagmamay-ari na daw ng upuan na 'to."
"Ah. So anong nangyari?"
"Sinabihan lang ni Kyle na wala tayong pakialam kahit presidente pa ang nagmamay-ari ng upuan na 'to! Tapos, umalis na sila."
"Tss. Kahit kailan ka talagang flappy pig ka, makwento." Kyle.
Magsasalita pa sana si Francis kaya lang biglang umingay ang cafeteria sa pagbukas ng pinto.
"OMG. Nandito na sila!"
"Shocks, maganda na ba ako?!"
"Kyaaaaaaaaaaaaaah! Masisilayan 'ko nanaman ang kagwapuhang taglay nilaaaaaaaa!"
"Nandito na ang Dark Government! Panigurado, yari 'yang mga babaeng nakaupo sa upuang pagmamay-ari nila."
Nandito? Sila? Dark Government? Mga babae? Tss. Hindi ko nalang sana papansinin kaya lang nahagip naman ng paningin 'ko ang limang lalaking naglalakad with their dark aura. But the guy with a blonde hair really caught my attention. Hindi 'ko napansin na nasa harapan na pala namin sila.
"Hey there, ladies. Mali ata kayo nang naupuan." Sabi nung guy na may itim na buhok at matangkad.
"Paano naman?" Tanong ni Daniela dito.
"Dahil pagmamay-ari namin 'yan." Walang ganang nung guy na may rainbow hair. Is this guy on drugs? O humihithit ng rugby? Tss. Guys nowadays.
"Pagmamay-ari? Nasaan ang patunay?" Tanong naman ni Kyle.
"Wala eh." Sabi naman nung guy na may itim ring buhok.
"Wala naman pala eh!" Sagot naman ni Francis.
"Umalis na lang kayo, mga binibini." Kalmadong pero maotoridad sabi nung lalaking may itim na buhok na nasa harapan nila.
"Ayaw namin. Sorry." Cool na sabinaman ni Jade.
"Maybe, hindi niyo kami kilala?" The guy with the red hair asked.
"Malamang. Kasi kung kilala namin kayo, edi sana binanggit na namin ang mga pangalan niyo." Sabi 'ko naman.
"Fearless girl. I like that." Sabi nung blonde guy habang nakatingin sakin at nagwink. Ugh. That gave me gooesbumps!
BINABASA MO ANG
Troublemakers vs. Dark Government [Gangsters Clash]
Acción[Troublemakers vs. Dark Government [Gangsters Clash] - Tempo. Title] * ON HITAUS * Date Created: March 26,2014 Date Ended:_____ __, ____