Chapter 6: Their Answer

171 5 0
                                    

(Still Third Person's POV)

"What?! Nababaliw na ba kayo?! Kami? Gagawin niyong katulong?!"

"Nasa sainyo 'yun kung gusto niyong iwanan na ang pwestong pinahahalagahan niyo simula pa noon. At nasa sainyo rin kung gusto niyong husgahan ng iba dahil natalo kayo ng mga babe." Sabi ni Jade. Napa-isip naman si Neo at ang mga kaibigan niya sa sinabi nito.

'She's right. Tsk. Why girls are always right?! And why the hell is this happening?!' Pare-parehong nasa isip ng limang lalaki.

"Ey, we're waiting for your answers! It's either lose your rank and be judge by others or.. be our slave for the whole school year." JC.

"Wala na bang ibang kondisyon?"

"Wala na.. Bilis, yung sagot niyo! Naiinip na kami." Sabi ni JC. Bumuntong hininga si Neo at saka sumagot.

"Payag na kami."

"Ano?!" Angal ng tatlong lalaki maliban kay Clyde sa sinagot ni Neo.

"Good. Maiwan na muna namin kayo." sabi ni Jade at umalis na silang lima.

"Ba't  ka pumayag, Neo?!" Inis na tanong ni Zander, Joshua at Cloud kay Neo.

"Iniisip lang ni Neo ang mangyayari kung tatanggi tayo. Magiging kahiya hiya tayo dahil limang babae ang nakatalo satin. Isipin niyo nga!" Kalmadong sabi ni Clyde. Napatahimik maman ang tatlo.

Tama naman ang sinabi ni Clyde, inisip lang ni Neo ang mangyayari kung tatanggi sila. Isa pa, buong school year lang naman eh. Hindi gaya ng rango nila, ilang taon nilang pinahalagahan at inalagaan yun. Maraming dugo ang sinayang nila para lang makatungtong sa pwesto na yun.

"Tsk, ano pa nga ba? Nasabi niya na eh." Sabi ni Cloud at inihiga ang ulo sa kanyang braso.

Habang sa kabilang dako naman, ang limang kababaihan ay nasa isang restaurant para kumain. Kalapit lang naman ito ng hospital nila Francis kaya dito sila nagtungo.

"Planuhin natin kung sino yung magiging slave natin for the whole school year." Sabi ni JC habang sila ay kumakain.

"Ha? hindi ko gets." Sabi ni Francis.

"Ganito ang ibig 'kong sabihin, lima tayo at lima sila diba? pipili tayo ng isa sa kanila na magiging slave natin for the whole school year."

"Ah, so kunwari pipiliin ko yung isa, edi siya na talaga magiging slave ko?"

"Ganun na nga."

"Kapag tumagal... pwedeng pakipagpalit?" Daniela.

"Hindi na." Sabanpy na sagot ni Jade at JC.

"Ah, Okay. Edi ngayon na natin paplanuhin kung sino yung magiging slave natin?"

"Yep."

"Sa'kin yung may rainbow hair." Biglang sabi ni Kyle.

"Bakit siya?" Tanong naman ni Francis.

"Basta." Sabi naman ni Kyle.

"Meron na si Kyle."Pagaanunsyo ni JC

"Kung ganun... sakin yung guy na may itim na buhok na matangkad." Sabi naman ni Daniela.

"Meron na rin si Daniela."

"Sakin yung leader." Jade.

"Pati na rin si Jade."

"Tayong dalawa nalang, JC! Sakin yung.. may black hair din." Sabi ni Francis.

"Edi sakin na yung natira. Pero sige, ayos lang. Meron na tayong lahat. Sabihin nalang natin sa kanila pagbalik natin." JC.

Natapos silang kumain, lumabas na sila ng restau para bumalik sa hospital at sabihin sa mga lalaki kung sino ang magiging amo nila.

"H-huwag p-po!...P-please!...t-tulong! t-tulungan... niyo ako! M-maawa ..p-po kayo!" Napantig ang tenga nila nang marinig iyon. Isang tinig ito ng isang babaeng umiiyak, at may pinipigilan.

"Wag kang maingay bata, mabilis lang to."

"Oo nga."

Hinanap nila kung saan nanggaling ang tinig.

"Hoy mga manong. Mahiya nga kayo. Ang bata bata niyan, pinapatos mo." Sabi ni Jade pagkakita nila kung nasaan ang humihingi ng tulong.

"Gusto niyo, kayo na lang ang patusin namin?" Sabi nung isa.

"T-tulungan niyo po ako... please." Mahinang sabi ng bata.

"Hayaan na lang natin yang mga yan, mga pare. Mas masarap pag bata. Saka baka malay mo bang hindi na birhen yang limang babae na yan." Bigla uminit ang ulo ng lima sa narinig.

"W-wag po.." Hinila ni Jade ang lalaking humawak ng braso at binti ng bata sa buhok nito.

"Aray!" Hiyaw nito. Nilapitan naman si Jade ng apat pang kasama ng lalaki. Lumapit narin sila Francis at binubugbog na rin ang apat na lalaking kasama ng lalaking humawak sa braso at binti ng bata.

Nang mapatumba na nila ito, agad nilang milapitan ang bata at kinausap.

"Are you okay, sweetie?" Tanong ni Francis.

"Okay lang daw siya, tears of joy daw yung luha niya." sarkastikong sabi ni Kyle kay Francis.

"Di kita kinakausap," sabi ni Francis at binalingang muli ang bata.

"W-wag po.. M-maawa.. p-po kayo.. s-sakin.."

"Shhh... Wala na sila. Tahan na." Daniela.

"Ganito nalang, we'll treat you ice cream kapag tumigil ka." JC. Nagliwanag ang mukha nito at bigla namang tumigil sa pag iyak.

"T-tara na po!" Sabi ng bata.

Napailing nalang sila at agad na dinala ang bata sa ice cream parlor.

"Bata, saan ka ba nakatira?" tanong ni Daniela dito. Pero hindi naman sumagot ang bata.

"Asan parents mo?" Tanong pa ni JC. Sasagot na sana ang bata ng may biglang nagsalita.

"Mia?" Napatingin sila dito. Isa itong lalaki.

"Kuya Sage!" sabi ng bata at agad na lumapit sa lalaki at niyakap ito.

"Hindi ba, sabi ko sayo wag kang makikipag usap sa strangers?"

"Tinulungan po nila ako, kuya! May mga pangit na balak akong rape-in kanina. Buti nalang dumating sila!" Parang batang nagkukwento tungkol sa mga superhero na sagot nito. Wala nang takot sa boses nito.

"A-ano?!" Bigla naman nanlaki ang mata ng lalaki at ibinaling ang tingin sa limang babae.

"Maraming salamat sa inyo." Sabi ng lalaki.

"Welcome." Tipid na sagot ni Jade.

"Nararapat kayong bigyan ng gantimpala sapagkat----"

"Hindi na po kailangan. Sige, una na kami." Sabi ni Kyle at saka sila umalis.

Nang makabalik sila sa hospital, agad nilang sinabi ang napagplanuhan nila. Hindi naman nagsalita ang mga kalalakihan pero tumatango naman sila.

--

Walamg updates last thurs and yesterday :c Mian~

Please comment your feedbacks! :)

Troublemakers vs. Dark Government [Gangsters Clash]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon