2✔️

8.5K 208 5
                                    

Chris

Ang sabi ay pupunta raw dito sila Mommy pero bakit nakalabas na ako sa clinic pero wala pa rin sila? Tsk.

Lunch na namin nang makalabas ako sa clinic. Hindi naman daw malala kaya hindi ako hinayaan na umuwi. Ngayon  kailangan ko pa tuloy pumasok sa tatlong subjects namin na natitira.

Sinamahan ako ni Jade sa cafeteria. Bumili lang ako ng isang juice at 20 pesos na siomai. Wala pa akong kain.

"Uy, Bes!" Tawag sa akin ni Jade. " Tingnan mo si Cindy oh. Kumikirengkeng na naman kay Chris!" Sabi ni Jade sabay turo kila Cindy. Si Cindy yung Queen Bee dito na habol nang habol kay Chris.

"Hayaan mo nga sila. Wala namang pag-asa si Cindy d'yan." Sabi ko at sumubo ng siomai. Favorite ko talaga yung siomai. Simula noong elementary ako at hanggang ngayon, favorite ko pa rin 'to.

"Aray!" Sigaw ko. Ang sakit, natisod ako doon sa isang bato!"

"Oh, iyan kasi! Ang tanga lang, Bes?" Pang-aasar ni Jade sabay halakhak na akala mo wala nang bukas.

"Tingnan mo 'to oh! Natisod na nga ako tapos tatawanan mo pa 'ko? Bestfriend talaga kita 'no?" Sarkastiko kong sabi sabay irap sa kaniya.

"Kasi naman, Bes, ang tanga mo. Kunwari walang pake kay Cindy at Chris pero sa kaloob-looban gusto nang bumuga ng apoy." Sabi nito sabay tawa ulit.

"Anong connect no'n?"

"Wala kang ShareIt kaya sa bluetooth na lang natin i-connect."

"Tama na nga," Saway ko. Buti naman at tumigil na siya nang mapansing seryoso na ako. Muli kong sinulyapan si Chris at Cindy na nakaupo sa isang bench. Pero kampante naman ako dahil mukhang naaalibadbaran sa kanya si Chris. Buti naman. Very good, Babe.

-

Pababa na ako ng hagdan dito sa school namin. Uwian na kasi. Grabe, ang dilim na. Ewan ko ba kasi sa school na 'to, 7 pm ang uwian!

Hindi ko naman magawang lumipat dahil nandito si Chris. Kahit hindi ko naman siya kaklase, at least nasa iisang school lang kami.

Isang hakbang na lang pababa nang bigla nalang may humatak sa akin. Hindi pa ako nakakalingon pero bigla na niya akong hinalikan.

Nanlaki ang mga mata ko na halos lumuwa na. Tiningnan ko kung kaninong labi ang nasa labi ko at nagulat ako nang makita ko si Van. Holy shit!

Ang Asawa Kong Bakla Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon