27

4.9K 104 4
                                    

27

Lunch time. Magka-tabi lang kami ni Drey dito sa bench habang pareho kaming kumakain ng hamburger matching a milo na rin.

Susubo na sana ako ulit nang biglang may tumawag sa pangalan ko. E shet, kakain na ako e!

Humarap ako sa taong tumawag sa akin galing sa likod ko. Ganun na lamang ang gulat ko nang makita ko si Jade. Shit. Naka-ngiti siya habang kumakaway sa akin.

Hindi ko namalayan na tumakbo na pala ako at niyakap siya. Shit! Namiss ko siya! But.. what is the meaning of this? Are we friends...again? Holy shit!

Bumitaw ako sa pagkaka-yakap ko sa kanya. Napansin kong pinupunasan niya ang kanyang mga mata. Shit, umiiyak s'ya! Agad kong hinawi ang mga kamay niya at napatunayan ko ngang umiiyak siya.

Bigla na lamang din tumulo ang mga luha ko. Shit, namiss ko talaga siya. Sana bati na ulit kami. Sana 'wag na ulit siyang magalit sa akin. Sana... Maintindihan na niya ako.

"Na-miss kita.." Aniya habang nagpupunas pa rin ng mga luha.

"Mas lalo ako. H-hindi mo na a-ako p-pinapansin." Tugon ko.

"S-sorry ah? Alam mo naman ako, tampo ako lagi."

"Okay lang iyon, naiintindihan naman kita e. Sana ako din maintindihan mo na."

"Sorry talaga, Faye. Promise, I'll try my best para i-support ka." Namumuo na naman ang luha sa kanyang mga mata.

"Thank you, Jade. I love youuuu." Ang sabi ko bago siya ulit yakapin.

"I love you too, Fayeee."

"So, bestfriend na ba ulit tayo?"

"Oo naman!" Sagot nito kaya sabay kaming tumawa. Feeling ko tuloy ang lakas ng toyo namin.

Pero kahit pala bestfriends lang kayo, maiiyak ka pa rin talaga. Kasi siya 'yung lagi mong kasama tapos gano'n... Waaaa, sobrang saya ko dahil bati na ulit kami!

"Baka mag-kiss pa kayo d'yan?" Sinamaan ko ng tingin si Drey.

"Che!" Sabay naming sabi ni Jade at muli na namang natawa.

------

Nagdaan pa ang ilang mga araw. Kami na ulit ni Jade ang laging mag kasama pero syempre, kasama din namin si Drey. Minsan nga napapa-isip na ako, baka bakla din kasi 'tong si Drey pero parang hindi naman. Hahaha!

"Anong-- hahaha! A-anong tawag sa-- hahaha!" Sabay kaming natawa ni Drey dahil sa kagagahan nitong si Jade. Nauna pa tawa kesa sa kwento e. haha!

"Hoy gaga, ano na?" Natatawa kong tanong.

"Eto na nga e! Hahaha! A-anong-- hahaha! Anong t-tawag sa-- ay t-teka nakalimutan koooo!" Napa-ngiwi na ako sa kanya. Lasing ba 'to!? Langya!

Feeling ko ang saya-saya ko kahit sa simpleng ganito lang. Nakakatuwa lang kasi tawa lang kami nang tawa. Hahaha.



Ang Asawa Kong Bakla Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon