30

5.1K 109 3
                                    

30

Bumukas ang mga mata ko. Tanging kulay pula lang ang nakikita ko. A-ano 'to? Nasa i-impyerno ba a-ako?

Umupo ako galing sa pagkakahiga at nakita ko ang kabuuan ng kwartong ito. Wait, kanino 'to? Nasaan ako? Paano ako napunta dito?

Biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin si... Chris.

NA-MISS KO SIYA, SOBRAAAA!

Nakasuot lang siya ng pajama at sando. Holy shit! Ngayon ko lang s'ya nakita ng ganyan. May abs pala s'ya!

Ang laki ng katawan niya. His biceps was so really... Ugh! 6 packed of abs was so damn delicious!

"Done checking my body?" Nagulat ako nang mag-salita siya. Ang laki ng pinagbago n'ya. Nag-iba din pati ang boses n'ya. Parang hindi siya 'yung Chris na nakilala ko noon. Shit! Naging tunay na ba siyang lalaki? I mean, hindi na ba siya bakla?

Wala sa sarili akong tumango. Lumapit siya sa akin at hinalikan ang aking noo. "Good morning." Bati niya.

Ngumiti lamang ang tangi kong nai-sukli sa kanyang pag-bati. What should I say? One year mahigit siyang nawala tapos bigla nalang niya ako hihitak---

Holy shit! Ano bang nangyari kagabi? Paano ako napunta dito? Bakit parang ang gulo? Waaaa, si Drey! K-kamusta na kaya siya? Shit. Kailangan ko siyang puntahan para humingi ng paumanhin sa kung ano man yung nangyari kagabi!

Tatayo na sana ako para umalis pero agad akong pinigilan ni Chris.

"Saan ka pupunta?" Tanong n'ya.

"Kay D-drey.."

"You won't."

"Pero--"

"I said you won't. So you fucking need to stay here with me. I'll get some food for you. Just fucking wait me come back here and don't you fucking dare to leave me!" Na-speechless naman ako bigla. Si Chris ba talaga 'to?

Dapat natutuwa na ako ngayon. Dapat nagpapa-party na ako dahil sa wakas ay naging lalaki na si Chris pero bakit feeling ko.... Ugh! Ang gulo mo, Faye! Pakainin mo nga 'yang mga bulate mo sa utak para naman hindi ka naguguluhan sa mga nangyayari sa planetang jupi--- haaayy.


Ang Asawa Kong Bakla Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon