Relasyon
Tinutulak ko si Van pero ayaw niyang humiwalay sa akin. Isinandal niya ako sa pader at hinawakan ang dalawa kong kamay. Ang lakas niya! Argh!
Bigla na lang dumaan si Chris at napatingin sa amin. Kitang-kita ko ang gulat sa mukha niya. Napalingon ako kay Van na humiwalay na sa akin tsaka nakangiting humarap kay Chris.
"Paano mo nagawa sa akin ito?" Kalmado pero may awtoridad na tanong ni Chris. Akala ko ako ang kausap niya pero tumagos ang tingin nito kay Van. "Sabi mo ako lang. Akala ko ba ako lang ha, Van?" Nagulat ako sa sinabi ni Chris. Teka, para ba sa akin iyon? WTH?!
Ano'ng ibig sabihin nito?
"Oh, well," Nagulat ako nang si Van ang magsalita. "Mas gusto ko kasi yung labi ni Faye kesa d'yan sa labi mo," Sagot ni Van sabay tawa. Wala namang nakakatawa ha!
"Akala ko ba mahal mo ako?" Chris said and his tears started to fall. May relasyon sila ni Van?!
Ang akala ko niloloko lang ako ni Jade na bakla si Chris pero ngayon—— Totoo palang bakla siya. Shocks!
"Pwede ba? Ginamit lang kita, okay? Sa gwapo kong 'to bakit seseryosohin kita? Hindi pa sira ang ulo ko." Tugon nito habang tumatawa pa rin. Hala, nabaliw na yata.
Akala ko si Van ang susugurin ni Chris pero nagulat ako nang bigla niya akong sinugod at hinila niya ang buhok ko.
Napahiga ako dahil sa higpit ng hawak niya sa akin. Pinagsasampal din niya ako nang sobrang lakas. Hindi ako makagalaw at hindi makapalag. Hindi ko siya kayang labanan. Ang bigat ng kamay niya at hindi ko manlang magawang umilag sa mga sampal niya.
Hinayaan ko lang siyang ibuntong sa akin lahat ng galit niya dahil wala rin naman akong magawa. Samantalang si Van? Iyon, umalis na ang hinayupak! Sinadya niya akong halikan para makita ni Chris. Bwisit siya!
Hindi pa rin humihinto si Chris sa pagsabunot at sampal sa akin. Ako naman ay hinahayaan lang siya kahit nasasaktan na ako. Shit, hindi ko siya kayang labanan!
"Oh my! Ikaw bakla ka!" Narinig kong sigaw ng sumusugod na si Jade. Bigla niya nalang hinila ang maikling buhok ni Chris at si Jade naman ang sumabunot dito.
"Ikaw bakla ka talaga! Wala kang karapatan saktan ang bobo kong bestfriend. Tandaan mo 'yan!" Sigaw ni Jade habang sinasabunutan pa rin si Chris.
Pinilit kong tumayo at buong lakas kong hinila palayo si Jade. Ang sakit ng mukha ko, sobrang sakit ng mga sampal niya.
"Ano ba 'yan, Faye! Bitawan mo nga ako! " Sigaw ni Jade bago bigyan ng isang malakas na sampal si Chris.
Biglang dumating ang iba pang estudyante at pati na rin si Cindy at yung mga kaibigan niya. "What did you do?!" Sobrang sama ng tingin niya sa amin habang nilalapitan si Chris.
"Hayaan mo na lang si Chris," Ang sabi ko kay Jade habang hinihila palayo.
"Wait, what did you just say? Hayaan? Tingnan mo nga 'yang mukha mo. Sobrang pula at may kalmot pa! Tapos parang napanot ka na sa tindi ng sabunot niya sa iyo!"
"Jade, please. Ayoko siyang nasasaktan. Kasalanan ko rin naman," Pakiusap ko.
"Bahala ka nga! Ikaw na nga pinagtatanggol sa baklang 'yon tapos siya pa ang kakampihan mo!" Aniya tsaka padabog akong iniwan.
BINABASA MO ANG
Ang Asawa Kong Bakla
HumorMinsan ka na rin bang nagkagusto sa isang bakla? Nangarap na sana mapansin ka niya? Nangarap na sana ikaw nalang at hindi na lalaki ang tipo niya. Nangarap na mamahalin ka rin niya dahil mahal mo siya. Minsan mo na bang naitanong sa sarili mo na.. "...