29

4.8K 117 9
                                    

29

Mabilis niyang pinunasan ang tumulong patak ng luha sa mata niya. Nakatingin lang ako sa kanya. Nakatingin lang s'ya sa mga mata ko. Nakatingin lang lahat ng tao sa amin.

Naramdaman kong huminto ang gitara pati s'ya sa pag-kanta. Kinagat niya ang ibaba niyang labi tsaka mas lalo pang lumapit sa akin.

A-ano bang g-ginagawa niya?

Kinuha n'ya ang dalawa kong kamay tsaka binitawan ang mga salitang hindi ko inaakalang lalabas sa bibig niya..

"Mahal kita. Oo, mahal kita, Faye." Aniya. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Shit.

"Kaso wala e. May mahal kang iba. At alam kong hindi ako iyon." Dugtong niya. Narinig ko naman ang bulungan ng mga taong naka-paligid sa amin pero hindi ko ito pinansin at pinaka-titigan lang ang mukha ni Drey.

"Alam ko na ika-kasal na kayo ni Chris," bigla na namang nagsi-bulungan ang mga tao dahil sa sinabi niya pero hindi pa rin s'ya tumigil.

"Hindi ko nga alam kung bakit ko pa sinasabi 'to sa iyo. Siguro para lang malaman mo? Last chance ko na kasi 'to, Faye. Kung hindi ko pa gagawin ngayon, baka hindi ko na masabi habang buhay. Pero ngayon, hinahayaan na kita doon sa taong mahal mo. Hindi ko man tiyak na hindi ka n'ya sasaktan, may tiwala pa rin ako sa kanya. Kaya ngayon, sana maging masaya kayo. Basta ang sa akin lang, mahal na mahal pa din kita kahit ano pang mangyari at lagi mong tandaan na kapag iniwan ka niya, nandito lang ako. Always. Hindi ako magsasawang maghintay sa iyo dahil ganoon kita ka-mahal kahit pa iba ang mahal mo."

Wala akong masabi. Kahit reaction, wala. Nagulat talaga ako sa mga nangyayari ngayon. Para akong na-pipe at hindi makapag-salita.

Tumulo na ang mga luha ko pati 'yung sa kanya. Naramdaman ko din ang reaction ng ibang nanunood sa amin.

Bigla nalang may humawak sa braso ko at binawi ang kamay ko mula sa pagkaka-hawak ni Drey. Hinila n'ya ako palayo doon. Hindi ko alam pero bakit... Shit.

Tumingin ako sa taong gumawa no'n. Nakita ko ang isang lalaking may maikling buhok at naka-suot ng pang army. S-sino s'ya?

Pinasok niya ako sa isang pulang kotsye at doon ko lang s'ya nakilala.

"C-chris?" Banggit ko sa pangalan niya pero nanatili lamang siyang seryoso.

"S-saan tayo p-pupunta?" Tanong ko.

"Uuwi na tayo sa bahay natin." Seryoso niyang sagot na nakapagpa-lakas sa kabog ng dibdib ko.

Uuwi na tayo sa bahay natin..

Uuwi na tayo sa bahay natin..

Uuwi na tayo sa bahay natin..

Uuwi na tayo sa bahay natin..

Ang sarap sa pandinig ng sinabi niya sa kabila ng lahat ng nangyari ngayon.

Ang Asawa Kong Bakla Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon