60

4.8K 120 18
                                    

60

Ilang araw na ang lumipas pero ganoon pa rin ang pakikitungo sa akin ni Chris, cold. Kakatapos ko lang patulugin si baby Eu nang dumating siya.

Tiningnan ko lang ito bago ako yumuko at lumakad pauntang banyo. Ang totoo nyan, wala naman akong gagawin dito. Ewan. Bakit nga ba pumasok ako rito? Gaga.

Lumabas na ako doon dahil mukha na akong tanga. Nakita ko si Chris na nasa lamesa, kumakain. Tinabihan ko siya at sinabayan sa pagkain.

Tahimik lamang kaming dalawa, hindi ako sanay. Tuwing ganito kami na kumakain ay maingay kami at nag-aasaran pero ngayon tanging tunog nalang ng kutsara na tumatama sa pinggan ang naririnig ko.

"C-chris.." tawag ko sa kanya pero parang wala siyang naririnig. Ano bang gagawin ko para magka-bati na kami? Jusko.

"Chris, pansinin mo naman ako oh," Lumakas ang loob ko nang lingunin niya ako. "Chris, pwede bang bati na tayo?" Tanong ko, kinapalan na ng bongga ang mukha.

"Chris, 'wag ka na magalit sa akin, please? Hindi--" natigil ako nang ngumisi siya at mag-salita.

"'Wag magalit?" Sarkastikong aniya. "Baliw ka na ba, Faye?" Hindi ako umimik. Sige lang Chris, ilabas mo na lahat ng galit mo para matapos na ito dahil hindi ko na kaya. Hindi na talaga.

"Faye, asawa kita. A.sa.wa. Baka naman nakakalimutan mo iyon?" Nag iba ang boses niya. Hindi ako sanay na ganito.

"S-sorry--"

"Sorry? Faye, sorry? Nakita kitang may kahalikang iba, Faye! Tapos sorry?" Sarkastiko siyang napatawa. "Nagpapatawa ka ba?" Aniya.

"H-hindi ko naman s-sinasadya--"

"Hindi sinasadya? Hindi sinasadya na dumampi ang labi niya sa labi mo at hindi sinasadyang tumugon ka?" Nagsimula na naman akong maiyak. Ano ba kasi itong ginawa mo, Faye..

"Tapos ikaw pa may ganang umiyak? Galing mo naman pala beh." Aniya at tumayo. "Nawalan na tuloy ako ng gana." Lumakad siya palayo sa kusina kaya agad ko siyang hinabol.

"Chris naman e!" Nagsimula na bumuhos ang mga luha ko. "Sorry na, hindi ko naman alam na ganito ang mangyayari e.."

"Hindi ka naman kasi manghuhula para malaman mo ang mangyayari." Tiningnan ko siya sa mata.

"I'm sorry, Chris. Sorry. Ilang sorry pa ba?"

"Tigilan mo ako sa drama mo. Kahit anong gawin mo, alam naman nating nagustuhan mo iyong halikan niyo." Aniya at tinalikuran ako.

"Bakit ba ganyan ka?" Tanong ko. "Hindi mo ba talaga nakikita na nagsisisi na ako? Ganyan ka ba talaga? Bakit ikaw? Kapag may nagagawa ka sa akin na nakakasakit, parang wala lang naman?" Hinarap niya ako.

"What do you mean?" Kumunot ang noo niya.

"Kapag nagku-kuwento ka tungkol sa mga lalaking gwapo, hindi mo ba alam na nasasaktan rin ako? Tuwing kinikilig ka sa iba, nagre-reklamo ba ako? Tuwing dine-describe mo yung mga fafi na nakikita mo, nag-sorry ka ba sa akin kasi nasasaktan mo ako? Diba hindi?"

"So, sumbatan tayo, gano'n ba?" Sabi niya at mas parang galit na rin.

"H-hindi--"

"Faye, ako hanggang kwento lang. Hanggang describe at puri lang ako sa mga gwapo d'yan. Pero Faye, kahit kailan hindi ako lumandi at nakipag-halikan sa mga iyan kasi mahalaga ka sa akin. Asawa kita. Kahit ganito ako, kahit bakla at malandi ako, kahit kailan hindi ko magagawa iyong ginawa mo. Faye, bakla lang ako pero may nararamdaman pa rin ako kasi tao lang din ako. Hindi ko naman siguro kasalanan na nasaktan ako kasi iyong nag-iisang babaeng gusto ko, nakita ko lang naman na nakikipag-halikan sa iba. Sorry ah? Kung masyado akong malandi at tanga dahil sa mga kinu-kuwento ko. Gusto ko lang kasing makitang magselos yung babaeng mahal ko. Gusto lang kasi kitang magselos. Yeah, alam ko isa lang ito sa kagagahan ko pero tuwing nakikita kitang magselos, iba sa pakiramdam. Para akong unti-unting nahuhulog sa saya. At kahit anong pigil kong mahulog sayo, wala talaga akong magawa, Faye. Ano bang ginawa mo sa akin? Bakit bigla nalang kitang minahal ng ganito?"

Natulala ako sa mga sinabi niya. Nag-tambol sa saya ang puso ko at para akong mahihimatay sa mga sinabi niya. Tila nawalan ako ng kakayahang makapag-salita. Nanuyo ang lalamunan ko at kahit isang word ay wala talagang lumalabas sa bibig ko. Totoo ba ang mga sinabi niya?

M-mahal niya ako?



Ang Asawa Kong Bakla Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon