[part:25] pahiya

138 7 0
                                        

Kyla's POV

Ng mahiwalay saamin si Nicole at agad kaming nagpatuloy sa paglalakad papuntang room...

Iniisip ko na...Bakit kaya di na kami nabubully masyado dito sa school? Meron pa naman pero yung mga mapanlait nalang nilang dila ang nakakainis...Pero ok narin yung ganto...

Ng makarating kami sa room eh nadatnan namin ang mga classmates namin na
nagchi-chismisan na naman
Haay as usual naman eh...

Umupo na kami sa mga sarili naming upuan ng...

ANG KAPAL NAMAN NG MUKHA NYO AT NAGPAKITA PA KAYO?!!”

Salubong na sigaw saamin ni Sophia... Kasama ang mga kaibigan nya...Ang
Astra Sisters...tss

“ano na naman problema nyo?! Nananahimik kami dito ha?!” sigaw sakanila ni Joyce. Eh sino pa ba? Alangan naman si Janine? Pambato kaya namin si Joyce...

“PROBLEMA NAMIN?!! KAYO LANG NAMAN ANG PROBLEMA NAMIN!! AT NANANAHIMIK?!! WOW HA!! TAHIMIK NGA KAYO PERO SA LOOB NYO PURO KALANDIAN ANG LAMAN!! MGA SUROT!!!” ngayon si Tiffany naman ang sumabat. At grabe ha? Para silang nakalunok microphone? But wait..... Kami pa ang sinabihan nila nyan? Eh sila nga yun!

“eh aba sumosobra na kayo ha?! Kami pa binaliktad nyo! Eh kayo nga yung mga mahaharot! malalandi! at mga surot jan!” syepre ako yan! Papayag ba ako na sabihan nyan? Mas ok na yung sinasabihan kami ng nerd, witch, monsters at kung ano-ano pa wag lang ang ganyan!

“ANO?!! EH SINONG MAS MALANDI SAATIN?!! KAYO NGA YUNG MGA MANGAAGAW NG BOYFRIEND EH!!! DAHIL SAINYO WALA NA KAMI NG MGA MEN EMPIRE!! DAHIL SAINYO WALA NA KAMI NI ALEXANDER!!! AND THAT'S BECAUSE OF YOU JANINE!! NOW I'M NOT THE QUEEN OF THIS SCHOOL!!! AARG!!” sabi ni Stephanie... Eh aba  mabuti di na sya ang queen dito?

Teka may naalala ako...

“wait nga lang?! Sa pagkakaalam ko wala naman talaga kayo ng Men Empire? Maliban lang kay Sophia Kasi nga isa lang si Sophia sa mga babae ni Nathan? Tapos nabalitaan nyo lang na boyfriend ng kaibigan nyo ang isa sa men empire eh... Sasabihin nyo na agad na boyfriend nyo na sila? Eh wala nga kaming nabalitaan ng mga ka-schoolmates nyo na nililigawan kayo ng Men Empire eh?” totoo naman ha? Isang Araw nga nabalitaan lang namin sa ang susunod na babae naman ni Nathan eh si Sophia tapos bigla-bigla sila na agad? Si Stephanie nga ang nagpakalat na sya na daw ang queen Kasi type nya si Alexander eh?

Oh Diba? Ang dami kong alam noh? Syempre lahat naman alam yan eh?

....At dahil sa sinabi kong yun eh di na nakaimik ang lima... #SpeachlessAngAstraSister bwahahaha

Tumakbo nalang silang lima palabas at biglang....

*Clap!*

*Clap!*

*Clap!*

Oo pinalakpakan kami ng mga tao...ngayon lang namin napansin na pinapanood kami ng mga ka-classmates namin at pati, wow ha? Pati sa labas ng room meron din!

Meron din namang iba na nagagalit at naiinis... Hayaan na nga mga alagad lang yan ng Astra Sisters eh


Sana tuloy tuloy na toh...
Para di na kami nasasaktan...
Sana nga...


The Gangsters Love WarMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon