A/N: yung katabi ko ni janine sa media jan sa baba ay si kenJanine's POV
"baby! Gising na may pasok ka pa!" arg! Lagi na lang bang ganito wala na bang araw na pagpapahingahin ako ni kuya kahit isang araw lang oh?
"kuyaaaa! Natutulog pa yung tao eh!"
"bahala ka may bisita ka pa naman sa baba! Gwapo sya baby"
Agad akong napadilat. Bisita? Gwapo? Teka sino naman yun?
"sino naman kuya?" nagtatakang tanong ko
"aba ewan ko sayo"
Dumiretso agad ako sa cr para maligo and nang matapos nagbihis, nagpulbo at tsaka ko nilagay ang magical glass ko hihi magical glass talaga
Bumaba na ako sa sala para alamin kung sino yun bisita ko sana naman di buwista
"kuya! Sino ba yang bisita ko na yan------------------ken?!"
"hi janine good morning" bati nya saakin
"a-anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?"
"ah kasi nakita kitang pumasok dito kahapon eh"
"ahh sige baby janine iwan ko muna kayo ha, ken take care of janine"
Tumango ang si ken kay kuya Joel
"ano bang ginagawa mo dito?"
"ahh ano kasi gusto ko lang sanang humingi ng tawad sa nangyari kahapon. Sorry ha?"
"ah ayun lang ba ok lang baka napagkamalan mo lang kami na ibang tao" sabi ko na di na makatingin ng deretso sakanya naiilang kasi ako eh
"teka lang Janine bakit ka nakasalamin ngayon huli kitang nakita dati di ka pa nakasalamin ha?"
"ahh wala lang trip lang naming magkakaibigan"
"ah ganun ba pero ang ganda mo parin ha tulad ng dati"
"wow nang bola pa kung maganda ako bakit mo niloko?" bulong ko baka kasi marinig eh
"ha? May sinasabi ka?"
"ah wala ang sabi ko ang LAKAS mo paring mang bola. Kaya nga napaikot mo ko eh"
"ah hehehe. Janine gusto mo samahan na kita papuntang school? dun din naman ang punta ko"
"ah sige pero txt ko lang si Joyce baka daanan nya pa ako dito eh?"
"sige lang"
Kinuha ko ang phone ko at tinext si Joyce na wag na akong daanan pero di ko sinabi ang dahilan sesermonan na naman ako nun eh
Nagpaalam na din ako kay kuya Joel na aalis na ako
Nasa kalsada na kami ni ken walang nagsasalita at walang imikan
Pero binasag nya yun
"janine sorry sa nagawa ko dati ha?"
Napahinto ako at nilingon sya
"sorry saan?"
"sa nagawa ko sayo last month nung iniwan kita"
Bigla nalang nanikip yung dibdib ko ng maalala yung pagtaboy nya saakin noon at yung mga masasakit na salita na binitawan nya saakin
"pwede ba wag mo nang ipaalala saakin yun! Malinaw na saakin na pinaglaruan mo lang ako at pinagsawaan!" sabi ko at tumakbo palayo sakanya
Nasa school na ako ng biglang lumapit saakin si Nathan and Kurt at ang mas ikinagulat ko ay niyakap nila ako
BINABASA MO ANG
The Gangsters Love War
Teen FictionIsa lang kaming nerd... Laging binubully... Inaapi... Pinipintasan... At kung ano-ano pang hirap sa buhay ang nangyayari... .....Ngunit, lalong gugulo ang buhay naming limang magkakaibigan ng makilala naming silang mga gangster... Umibig kami sakani...