[part:27] HURT

99 4 1
                                    

Author's Note
Mention ko lang reader ko na naging classmate ko ngayong grade 8. Ghale12 hi sa'yo! Sana patuloy mong basahin itong story ko kahit na mabagal akong mag-update. Gwen Gwyneth Ghale Ballenas po name nya... 😂 (peace tayo!) muah😘

-CRAZYloooveU





Ashly's POV

Nagtaka kami sa inakto ni nicole kaya nakisilip na rin ko sa grade nya at nagulat ako sa nakita ko. Napatakip nalang ako sa bibig ko, grabe! Sa lahat sa aming lima ay sya ang pinakamatalino! Kaya di ko akalain na ganoon ang makukuha nyang grado! At halos laht ay bagsak!

Isa lang ang ibig sabihin nito....
Mapapatalsik sya sa eskwelahan.

"A-ano bang nangyari? Bakit ganito ang nakuha nya?" -Kyla

"Di rin namin alam kyla, ang alam ko lang ay may mali dito"- joyce

Natanaw namin ang men empire na papalapit saamin... pati narin sya.

"Janine! Buti nakita namin kayo! Nakita namin kanina si nicole na tumatakbo at umiiyak, ano bang nangyari? May problema ba?" Salubong na tanong saamin ni alexander.

Ibinigay naman sakanya ni janine ang grado ni nicole na agad namang tiningnan ng limang lalaki at ganoon nalang ang pagkagulat nila.

"Ano toh?! Bakit ganito ito?!" Sigaw ni xian.

"Hindi rin namin alam, basta nagulat din kami ng makita iyan" -kyla

"Kailangan ko syang puntahan!" Sabi ni xian at kumaripas ng takbo.

"May hindi yata tama dito". Sabi ni nathan, napatingin ito saakin kaya umiwas ako. Di ko pa kayang makipagtitigan sakanya.

Pero mukhang papalapit ito saakin.
"umm.. ash--"

"wag kang lalapit saakin!" di ko na napigilang mapasigaw kaya napatingin saamin ang mga kaibigan ko pati narin yung mga studyanteng malapit saamin.

"ashley? anong problema?" tanong ni kyla, si nathan nagtatakang nakatingin lang saakin. hahaha! mukha syang inosente pero di naman.

"ashley may nagawa ba ako? bakit parang galit ka saakin at bakit ganyan ka makatingin". tanong pa ni nathan.

"tinatanong mo ako kung anong nagawa mo at kung bakit ako nagalit ng ganito? hahaha! alam mo nathan sa mga ikinikilos mo mukha kang walang alam! alam mo ba kung bakit? ay oo nga pala! nakalimutan ko, a playboy always a playboy kaya di na ako magtataka sa nangyari". di ko napansin na habang nagsasalita ako ay umiiyak na pala ako. kita ko sa mga mukha nila na naguguluhan sila sa mga sinasabi ko lalong lalo na si nathan.

"ashley ano ba talagang ibig mong sabihin? sabihin mo nga saakin ang dahilan kung ano ang ikinagagalit mo saakin?" sabi nito at parang gusto pa akong kawahan pero iniwas ko ang sarili ko sakanya.

"wag mo akong hawakan nathan! alam mo napakatanga ko at nagpaloko ako sa isang kagaya mo! gusto mong malaman ang dahilan?" sabi ko at kinuha ang cellphone ko sa bulsa. "oh eto nakikita mo ba ang larawang yan? ha! ayan ang dahilan! ang sabi mo saakin simula ng maging tayo ako lang, sabi mo magbabago ka na pero niloko mo lang ako nathan! sinira mo ang tiwala at pagmamahal na ibinigay ko sayo!" umiyak lang ako ng umiyak sa harapan nila.

"y-yung kagabi, ashley lasing lang ako kagabi. ashley patawarin mo ako,alam kong wala ako sa katinuan nun pero sana bigyan mo pa ako ng pagkakataon". naluluhang sabi nito.napangisi ako, di ko na alam ang nagyayari saakin.

" edi inamin mo rin, totoo nga ang nasa larawan na toh. salamat sa nag send nito saakin at pinaliwanag nya ang totoo. alam mo nathan?pagod na ako, oo alam kong napaka desperada kong magkaroon ng boyfriend pero di ako isang laruan para lokohin mo. may damdamin din ako nathan, kaya nathan tama na". huling sabi ko at tsaka tumalikod.



Janine's POV

Naguguluhan na ako Sa mga nangyayari sa mga kaibigan ko...

Una yung pagbagsak ni Nicole sa lahat ng grades nya sa periodical test...

Pangalawa yung nangyari sa pagitan nila Ashley at Nathan... Posible kayang may nagplano Sa lahat ng toh?

Nandito tatlo nila ate Joyce at Kyla sa garden kasama ang Men Empire maliban kay Xian, si Nathan gulong gulo ang mukha dahil Narinig siguro sa mga nangyari kanina.

"nathan? Wala ka ba talagang alam sa nangyaring yun?" tanong ni xander na katabi ko.

"xander, wala talaga. Hindi ko alam kung saan nanggaling yung mga litratong yun, hindi ko rin alam kung anong pakay nung taong nag-send sakanya nun" naguguluhang sabi ni nathan.

"kung sino man yung taong yun, sigurado ako na may hindi sya magandang balak sa'yo nathan" sabi ni oliver at may mukhang malalim ang iniisip.

"baka may nakaaway ka lang at gusto kang gantihan,may nakagalitan ka ba nung mga nakaraang araw?" tanong ko bigla lang kasing pumasok sa isip ko.

“naging kaaway nitong nakaraang araw? Wala naman.....pero teka?” sabi ni nathan na parang may naalala sya, kinuha nya yung phone na at may pinindot na kung ano.

“naalala ko na may nag-chat pala saakin, akala ko nangti-trip lang pero one time nag-message sa saakin. Parang nangte-treat sya”. Sabi nya at pinakita ang isang conversation.

Ma Jo Vi: stay away from ashley, pagsabihan mo na rin yung iba mong kaibigan na layuan din yung apat. Kung ayaw mong may masamang mangyari sakanila, sundin mo ang mga sinasabi ko.

Nagulat kami sa nabasa naming text.

“dre kailan pa yan?” tanong ni kurt.

“dati pa toh, ang kulit nga eh lagi akong binabalaan na layuan kayo pero syempre di ko pinapansin kasi baka wala lang tong magawa o kaya nangti-trip lang” -nathan.

“nathan naman dapat sinabi mo kaagad para naman naagapan pa natin!”kyla.

“pero bakit naman kaya nya ginagawa toh? Bakit ka nya sinisiraan?”joyce.

“ewan ko, di ko alam. Pero ang inaalala ko eh si ashley, di ko alam kung paano ko sya kakausapin. Sa nangyaring ito mukhang wala na akong maihaharap sakanya” sabi nya at sinabunutan ang sariling buhok.

Hay....ano ba tong nangyayari saamin?

Nasa room na kami,nandito narin sila nicole at ashley.

Nilapitan kami ni ken.

“janine? Mukhang malalim yata ang mga iniisip nyo ah?” sabi nya saamin.

“ah wala lang toh, may nangyari lang kasi kanina” walang gana kong sabi, parang tinatamad akong mag aral ngayon. Paanong hindi ako tatamarin eh ang daming nangyayaring problema sa dalawa kong kaibigan.

“ano bang nangyari?” sabi ni ken at umupo sa desk ko.

“hay nako ken kung ike-kweto ko bukas pa tayo matatapos, basta ang daming nangyari kanina” sabi ko, tinatamad akong magkwento at tsak mas mabuting amin-amin lang muna ito.

Tinawag nila mark si ken kaya nagpaalam muna si ken, tinanguan ko lang ito.

Dumating na si prof. at buong klase blanko ang isip ko, masyado yata akong naapektuhan sa nangyari kanina. At tumatakbo rin sa isip ko yung nag-chat kay nathan, bakit kaya gustong nung nag-chat na layuan kami nila nathan? Sino ba talaga yun? Ano bang gusto nila?

Isa pang tumatakbo sa isip ko eh yung result ng test ni nicole. Hay.... Sumasakit ang ulo ko!

The Gangsters Love WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon